QUEZON CITY - Isa ka ba sa libong komyuter na ginagawang uri ng 'transpo' ang bisekleta.
Sa panahon ngayon ng pandemya hindi maisasantabing gamitin ng mga trabahador ang ganitong klase ng sasakyan dahil sa kawalan at pagbabawal pansamantala ng mga naghaharing uri ng transportasyon dahil sa pinaiiral na General Community Quarantine (GCQ).
Kaugnay nito, higit na naging 'friendly' ang Quezon City sa lahat ng biker makaraang target ng lokal na pamahalaan bilang bahagi ng plano na "commitment to sustainable recovery and the global clean air initiative” ang palawakin pa ang ruta ng bisekleta na buhat sa kasalukuyang 55km network na inistablisa taong 2018 ay ginawang 161km na ang distansiya.
“This was a priority for us even before COVID-19 happened as part of our global commitment to reducing air pollution by 2030,” ani Mayor Joy Belmonte, “but due to the pressing need for transport during the pandemic, and the bike culture that emerged as a result of this, we are fast-tracking its implementation.”
Kinapalooban ang bicycle-lane network ng barriers, signage, markers, at iba pang kinakailangang imprastraktura para matiyak ang kaligtasan ng riders.
Tinatrabaho na rin ng local government ang Move As One Coalition para ma-identify ang karagdagang bike routes malapit sa mga ospital at healthcare facilities para tulungang mapagaan ang pang araw araw na pagsakay partikukar na ng mga health worker.
Magsisimula ang konstruksiyon sa mga susunod na linggo sa pamamagitan ng city’s Parks Development and Administration Department (PDAD) at ang Task Force on Transportation and Traffic Management (TFTTM).
Saan man sa NCR, naglunsad ang Siyudad ng San Juan ng pop-up bike lanes nung June 3, na nagkataon namang World Bicycle Day.
Ang planong pagpapalawak ng nadabing batutang network lane ay tumatalima para sa mga rider na tawirin mula Pasig River hanggang Santolan–Annapolis station na hindi na kailangang baybayin ang EDSA.(LP/Topgear)