Journalist dismayado sa debit system ng BDO!  

Latest News

Latest Reviews

UAAP Boy's Basketball :NU Nazareth School preserved its clean slate over Baby Falcons

Basketball  Reigning titlist National University-Nazareth School preserved its immaculate record after...

Cheerdance Competition : NU Pep wins

Cheerdance   After its title conquest a year ago, the National University Pep Squad defended its throne...

Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas, 48-46

    Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas with a...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

Journalist dismayado sa debit system ng BDO!  

MANILA - Disidido na ang misis ni  sports journalist Robbie Pangilinan na mag-file ng reklamo laban sa  BDO matapos mapag-alamang binawasan ng  P77,000 mula sa kanilang joint account na walang anumang permiso o pasabi sa kanila na nangyari pa nitong nakaraang  February 13, 2020 .

"Its been almost 4 months, hanggang ngayon wala pa rin silang update sa kinuha nila sa account namin," desperadong bulalas ni Pangilinan.

Si Pangilinan ay nakatakdang sumailalim sa  angioplasty matapos ang  heart attack buhat pa noong  2011, na-stroke nung 2017 at 2019, at matinding  palpitations mula pa noong nakalipas na taon.

Sa nakalipas na siyam na buwan, nagsagawa na ang pamilya sa pagkalap ng pondo para ilaan sa magastos at kinakailangang agarang medical procedure.

“We had a BDO joint account for seven years already. After my husband’s check up at the Heart Center, I withdrew cash for our lunch, and was shocked to find out that we were losing 77k,” malungkot na turan ni Marissa Pangilinan, na agad namang tinawagan ang  BDO hotline para i-report ang nawawalang pera.

Inilipat ng  customer service representative ang tawag sa iba pang opisina, na sinabing hindi nila puwedeng ibunyag kay Marissa ang dahilan kung bakit ang  P77,000 ay na-debit buhat sa account. Tinanong ng CSR  si Robbie, na wala ang kanyang asawa (Marisa)  sa mgaa oras  na 'yun. Inimpormahan ng  CSR si  Marissa na kailangan ni Robbie na tawagan ang isang numero para sa mas masugid na detalye sa pagkawala ng pera.
 

Desperado ang Pamilya Pangilinan kung saan ramdan nila na ang kanilang perang pinaghirapan ay hindi ligtas sa bangkong kanilang pinagkatiwalaan.

Kinuha nila without informing us. Sana man lang tinawagan nila kami at kinausap bakit nawala yung pera namin sa banko mismo nila. Hindi po ito ATM scheme or na-hack dahil sa purchase. Nawala yung pera namin dahil kinuha mismo ng BDO. No email, document or reminder that they will get our money ,” ani pa Marissa. Hinang hina si Robbie na magkomento sa pangyayari sa mga panahong 'yun.
 

Sa panig ng BDO, si Robbie ay may credit card debt sa nakalipas na 10 taon.

Tinukoy nila ang  BDO ATM-debit card Terms and Conditions: In case of overcredit, erroneous credit, failure to debit, erroneous debit, misposting, or any error in transaction involving any amount to Cardholder’s Account/s as appearing in the records/books of BDO… Cardholder hereby agrees and undertakes to immediately return to BDO the Amounts/s Due to BDO without need of notice or demand, plus any and all expenses, costs and damages which BDO may have incurred, including penalty interest at BDO’s then prevailing loan rate based on the Amount’s Due to BDO, in connection with the enforcement of BDO’s right to recover and collect the Amount/s Due to BDO.

Isinaad  din sa T&C na ang cardholder ay inaatorisahang  irrevocably ang BDO at representatives nito na gawin ang  debiting of funds mula sa his/her account ang halagang nararapat sa BDO, na walang kailangang higit pang mga hakbang at patunay.

 
Ang mag -asawa ay nagsumite ng  complaint letter ngunit hanggang sa ngayon ang  BDO ay walang malinaw na aksiyon o kasagutan.

Hihingi ang Pangilinan family  ng tulong mula sa  Banko Sentral ng Pilipinas hinggil sa insidente.(LP)