Manila - Inihayag ng Philippine Sports Commission na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nag-isyu na ng Revenue Regulation 13-2020, na naglalayong magbigay ng diskuwento na buong maipapatupad sa lahat ng atleta.
Sinabi ng Philippine Sports Commission (PSC) ang lahat ng Filipino athletes at coaches ay pinal na matatamasa ang 20-percent discount para sa lahat ng kanilang pangangailangan.
Ang discount clause ay bahagi ng Republic Act 10699, pormal na kilala bilang "National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act".
“We have been looking forward to this and we are thankful that our athletes and coaches will finally enjoy the privilege they deserve,” sambit ni PSC chairman Butch Ramirez, kung saan ang naturang organisasyon ay nakikipagbalikatan sa BIR para sa discount benefit na buong matatamasa ng mga lokal na atleta.
Ang diskuwento ay ia-apply sa pagkain, medicine, recreation center, hotels, lodging establishments, at sports equipment purchases.
Inisyuhan na ng PSC ng identification cards ang mga national athlete, kasama ang booklets kapareho sa mga ginagamit ng senior citizens para sa kanilang sariling discounts, ang susunod.
Ang pagsulong ay ginawa para mapreserba ang National Sports Development Fund (NSDF), na "considerably diminished because of this health crisis we are now experiencing," aniya.
Markado ng PSC na mababawasan ang allowances na ibinibigay sa national athletes ng kalahati sanhu ng patuloy na sumasabak ang bansa kontra coronavirus disease 2019 (Covid-19).
“This is a hard decision to make, but one that (is) needed to be done so we can continue caring for our athletes longer,” ani Ramirez. (LP)