Timog, Quezon City - Sa gitna ng pananalasa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, nakatakdang ipatupad ng Quezon City government ang online application para sa building permits at lisensyang pangnegosyo.
Sinabi ni Kyusi Mayor Joy Belmonte na ang nasabing inisyatiba ay makapaglilimita sa face-to-face interactions sa pagitan ng mga mamamayan at empleyado ng city hall lalo na sa social distancing na mahigpit na ipinapayo sa panahon ng lockdown.
“It is high time that we harness the benefits that technology can offer and implement creative approaches to ensure everyone’s safety,” aniya.
Simula nitong Lunes, (June 1), 'yung mga nagnanais na kumuha o mag- renew ng panibagong business permit ay pinapayuhang i- download at mag- fill out ang unified business permit application form.
Ang accomplished form ay maaring isumite sa Business Permit and Licensing Division sa pamamagitan ng email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. para sa evaluation.
Habang nilipat na ang Metro Manila mula modified enhanced community quarantine tungo sa general community quarantine noong June 1, pinaalalahanan ni Belmonte ang kahalagahan ng pagsuot ng face mask para maprotektahan ang indibidwal kontra COVID-19.
Initasan niya ang Quezon City Police District, lahat ng barangay officials, Department of Public Order and Safety, Task Force Disiplina, Market Development and Administration Department, at iba pang konsernadong tanggapan ng lungsod ng pamahalaan na ipatupad ang kautusan.
Hindi dapat papitik- pitik ang mga awtoridad sa mga lalabag, babala niya, kung saan ang mga taong walang suot na face mask sa pampublikong lugar ay “automatically” na mapaparusahan.
“Since face mask is one of our first defenses against COVID-19, we will intensify our campaign for the people to get use to wearing a face mask in public places,” ani Belmonte. (LP)
photo courtesy : RMN Network