Minanduhan ni Pres. Digong Duterte ang lahat ng Local Goverment Units (LGUs)na tanggapin ang mga Overseas Filipino Workers (OFWd) pabalik sa kani-kanilang mga probinsiya.
Sa isinagawa niyang nationwide briefing kagabi, aniya ang LGUs ay hindi unilateral na makapagpatupad ng entry/exit restrictions kung saan tanging national umano lang ang makakagawa.
Gayunman, tiniyak ni DILG Sec. Eduardo Ano ang lahat ng 24k OFWs ay pawang dumaan na sa testing via PCR.
Ayon pa kay PDU30, may 62,000 pang OFWs ang darating pa batay na rin sa sinabi DOLE Sec. Silvestre Bello.
Hindi naman purisgido ang Pangulo na buksan ang klase ngayong school year puwera na lamang na masigurong ligtas ang mga mag-aaral at mayroon ng bakuna sa panganib ng virus.
Tahasan din tinanong ni Digong ang kanyang gabinete: are we in third, fourth wave or no wave at all? Sagot ni Duque: first major wave of community transmission. Pinagsabihan din ni Duterte si Duque na 'wag sikilin o pigilan ang mga lumalabas na mga isyu dahil ito'y parte ng isang demokrasiyang bansa.
Binigyan linaw din ng Pangulo ang tungkol sa level-4 PPEs na binili ng pamahalaan.
Samantala, tinalakay ng Gabinete ang mga isyu sa mag-asawang Co na tinangkang i- blackmail ang gobyerno na bumili ng marami pa pero mas mahal na PCR kits.
Binalaan ni Presidential Spox Harry Roque na mananagot ang mga ito dahil sa profiteering at iimbestigahan kung meron itong batayan.
Huling pinaalalahanan ng Pangulo ang publiko na 'wag padalus-padalos at gamitin ang mga ekstrang pag-iingat. (Louis Pangilinan)