Isang Pakistan International Airlines Airbus A320 passenger jet na lumipad mula Lahore ang nag-crash sa mataong residential area sa Karachi.
Ang Flight PK8303, lulan ang 91 pasahero ar walong crew, ay bumagsak na sana'y palapag na sa maabalang Jinnah International Airport.
Sinabi ng provincial health minister tinatayang 11 katao ang namatay ngunit pinangangambahang marami pa ang nasawi sa naturang trahedya. Sa ulat sinasabing may isang pasahero ang nakaligtas sa crash.
Makapal at maitim na usok buhat
sa pinangyarihan ng pagbagsak ang namataan sa Model Colony area.
Sinabi ng nakasaksing si Mohammed Uzair Khan sa BBC na nakarinig siya ng malakas na pagsabog at lumabas siya sa kanilang tahanan.
"Almost four houses were completely collapsed, there was so much fire and smoke," aniya. "They are almost my neighbours, I can't tell you what a horrible thing it was."
Sinabi ni Dr Kanwal Nazim sa BBC Urdu dinig niya ang pagsigaw ng mga tao at nakita ang ulap ng maitim na usok na bumalot sa may tatlong kabahayan katapat ng mosque.
Ang chief minister ng Sindh, ang probinsiya kung saan nangyari ang plane crashed, ay deneklara ang emergency sa lahat ng ospital sa Karachi. (LP/BBC)