Travel pass papasok o eeksit ka sa bisinidad ng Kyusi

Latest News

Latest Reviews

UAAP Boy's Basketball :NU Nazareth School preserved its clean slate over Baby Falcons

Basketball  Reigning titlist National University-Nazareth School preserved its immaculate record after...

Cheerdance Competition : NU Pep wins

Cheerdance   After its title conquest a year ago, the National University Pep Squad defended its throne...

Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas, 48-46

    Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas with a...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

Travel pass papasok o eeksit ka sa bisinidad ng Kyusi

Mga kailangang markahan ng mga residente, trabahador at mga may-ari ng negosyo sa Quezon City.

Ito'y matapos na magpalabas ang local government unit ng pinakabagong panuntunan sa travel pass na susundin sa panahon ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Paalala na ang travel pass ay 'di palagiang kinakailangan kapag papasok, lalabas o bibiyahe sa bisinidad ng Kyusi.

Sa mga papasok na empleyado kailangan lang nilang magpakita ng company ID—kung wala naman, sapat na ang barangay quarantine pass.

Lahat ng delivery, courier, at cargo services ay hindi na rin kailangan ang travel pass.

Gayundin sa mga magbubukas na mga essential businesses sa siyudad. Kailangan lang magpresenta ng inyong Quezon City business permit at kung hihingan ng mga karampatang dokomento.

At ang mga COVID-19 responders at authorized persons outside residence (APOR) ay kailangan lang nila ang health worker o medical ID, o anumang government-issued pass. Sa mga listahan ng APORs, hanapin na lang dito.

Kaya't kelan ba kailangan ang travel pass. Kailangan ito ninuman na nais bumiyahe mula Kyusi mula sa magkakaibang LGU “for indispensable or emergency purposes.”

Mga indibidwal na nais na umentra sa siyudad sa mga kadahilanang higit pa sa nakalista sa itaas para kumuha din ng travel pass.

Kung gusto n'yong mag-avail ng travel pass, mariing pinaalalahanan ng Quezon City LGU na gawin ito sa pamamagitan ng email; o kaya'y kailangang magsumite ng request letter sa Office of the City Administrator.

Ito ang mga kinakailangang detalye na inyong pupunuan: Contact number
, Destination Place of origin, Date of travel, Reason for travel, Vehicle model at license plate details, Driver’s name,
Names of passengers. Karagdagan ang pagsumite ng copy of a photo-bearing government-issued ID at health clearance mula sa medical doctor.

Sa mga mag-a-apply via email ilagay lang ang scanned copies ng inyong requests.