BANGKAL, MAKATI CITY - Isinagawa ang isang turn-over of Command Ceremony sa Makati City Police Station sa Ayala Ave Cor. Yakal Street, Brgy. San Antonio, Makati City kamakalawa, Mayo 20, 2020 sa pagitan ni outgoing Officer in Charge, Pcol. Rogelio P. Simon at ang Incoming Officer in Charge PCOL Oscar P. Jacildo.
Dinaluhan ang seremonya ni National Capital Region Police Office Regional Director / PMGEN Debold M. Sinas na inihatag ang liham ng komendasyon sa
outgoing COP at pinamunuan ang turn-over of office symbol at property book of Makati City Police Station sa incoming COP.
Bagupaman nag-umpisa ang aktuwal na seremonya, si Sinas kasama ni Acting District Director ng SPD PCol. Emmanuel B Peralta at incoming at outgoing COPs ng Makati City Police Station ang nagbigay kortesiya sa Local Chief Executive ng Makati City na si mayor Mar-len Abegail S. Binay na aprubado ang pagpapalit ng liderato ng pulisya.
Ginagarantiyahan ni Sinas na ang mga opisyal ay tatalima ng tapat sa kanilang tungkulin para tulungan ang NCRPO sa kanilang kampanya sa lahat ng uri ng kriminalidad, iligal na droga at pagsugpo sa pagkalat ng COVID 19.
“I assure that both top cops will continue to render dedicated police service and will ceaselessly engrave an imprint of honor and devotion regardless of their designations while coping up with their new journey towards the betterment of their career as public servants,” sambit ni Sinas. (LP)
Photo Courtesy of Sunstar.com.ph