Kyusi nagkukumahog sa pagsugpo sa COVID-19

Latest News

Latest Reviews

UAAP Boy's Basketball :NU Nazareth School preserved its clean slate over Baby Falcons

Basketball  Reigning titlist National University-Nazareth School preserved its immaculate record after...

Cheerdance Competition : NU Pep wins

Cheerdance   After its title conquest a year ago, the National University Pep Squad defended its throne...

Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas, 48-46

    Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas with a...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

Kyusi nagkukumahog sa pagsugpo sa COVID-19

Kumahog sa kasalukuyan ang lokal na pamahalaan ng Quezon City para sa tuluyang pagsugpo ng mapaminsala, hindi lang sa paghilahod ng ekonomiya bagkus ang buhay ng tao sa nakakahawahang COVID -19 pandemic.

Kaugnay nito, inilahad ng Kyusi na ang Extreme Enhanced Community Quarantine (EECQ) ay ipatutupad sa mga barangay na may dalawa o higit pang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Ipinaliwanag ng local government unit na ang naturang mga lugar maging ito'y kalye o sulasok na urban areas na may "fast transmission of the disease is highly possible."

Idinagdag sa listahan ng pamahalaan na kailangang repasuhin araw- araw depende sa kaso ng bilang ng kaso o mga gumaling.

Mula Mayo 20, 2020, 7 ng gabi, inimplementa na sa mga sumusunod na barangays ang EECQ ay ang: Tandang Sora, Kalusugan, Ramon Magsaysay, Maharlika, Tatalon, Batasan Hills, Pasong Tamo, Central San Roque, Paligsahan, Bagong Lipunan ng Crame, South Triangle, Culiat, Bahay Toro, E. Rodriguez, San Isidro Labrador, Matandang Balara, Teachers Village, West Manresa, Paltok, Sto. Domingo, Bagong Silangan, Holy Spirit, Payatas, Marilag, Socorro, Kamuning, Pinyahan, San Isidro Galas, Commonwealth, Pansol, North Fairview, Novaliches Proper at New Era.

Nauna rito, inihayag ng LGU ang listahan ng ilang lugar ang nasa ilalim ng 14-day special concern lockdown dahil sa mataas na pagdami ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Mula May 13, 2020, ang mga lugar ay ang: Bahay Toro, Culiat, Sauyo, Batasan Hills at Tatalon ay inisyal na mga lugar na under special concern lockdown kabilang ang Sitio Militar sa Barangay Bahay Toro, Vargas Compound-Adelfa Metro Heights-Abanay at Ancop Canada sa Barangay Culiat, Lower Gulod sa Barangay Sauyo, 318 Dakila St., 2nd Alley Kalayaan B at Masbate St. sa Barangay Batasan Hills Victory Avenue, ROTC Hunters, BMA Avenue at Agno St. sa Barangay Tatalon.

Nitong Miyerkoles, iniulat ng Kyusi na may 1,910 kaso na ng virus, 596 gumaling at 165 pumanaw. (LP)

Photo Courtesy MSN.com