PALANAN, MAKATI - Inihayag ng lokal na gobyerno ng Lungsod ng Makati ang garantisadong P5,000 financial aid para sa lahat ng lihitimong residente ng siyudad sa ilalim ng expanded Makati Economic Relief Program.
Sinabi no Mayor Abigail Binay na sisimulan nila ang contactless distribution ng cash assistance via electronic money transfer sa May 15 sa pamamagitan ng “MAKA-tulong 5K para sa 500K+ Makatizens” program, na mabibinepisyuhan ang tinatayang 500,000 residente, anuman ang kanilang estado sa buhay.
“The MAKA-tulong 5K for 500K+ Makatizens program, which will cost P2.7 billion, is intended to provide much-needed financial assistance to residents on an individual basis, not per household, as we begin to emerge from the prolonged lockdown,” ani Binay.
Ayon sa alkalde ang mga kabahayan na ang kaparehong magulang ay kuwalipikado ay makatatanggap ng kabuang P10,000. Kapag ang mag-asawa ay may anak na nagkuwalipika bilang recipient, ang kabuuang maibubulsa ay P15,000. Kung ang grandparent na nakatira sa kanila ay eligible, ang kanilang kabahayan ay tatanggap ng kabuuang P20,000 sa ilalim ng MAKA-tulong program.Para mag-qualify bilang benipisyaryo ng MAKA-tulong program, ang isa'y dapat na di baba sa 18 taong gulang, residente ng Makati o sa alinmang lugar ng relokasyon na nasa pangangasiwa ng city government ng Makati sa San Jose del Monte City, Bulacan at Calauan, Laguna.
Dapat ding rehistrado o kaya'y bilang Makatizen Card holder, o Yellow Card holder sa ilalim ng Makati Health Program, o kaya'y botante ng Makati City. Kung ang residente ay wala sa tatlong kategorya ng mga rekisitos ay hindi siya pupuwede bilang benipisyaryo.
“As early as April 21, I had approved and signed the program. However, we decided to finish first the distribution of the Social Amelioration Program in our barangays to ensure that our residents, whether they are SAP beneficiaries or not, will still have money to spend for their essential needs,” ani Binay.
Idiniin din ng mayora na yung mga dati ng unang nakakuha ng cash aid mula sa siyudad kasama na ang senior citizens, persons with disability, informal workers, at solo parents, ay qualified pa ring makatanggap ng P5,000-financial assistance.
Ang mga detalye ng application process at documentary requirements ay ilalabas sa mga residente sa official My Makati Facebook page. Ang step-by-step guide para sa aplikasyon ng ayuda ay makikita rin sa web portal www.proudmakatizen.com. Para sa inquiries, ang Makatizens ay maaring tumawag sa hotlines 8236-5795 or 8236-5796. Robert Louis Pangilinan