MANILA - Napuwersang tigil-ere ang itinuturing na higanteng broadcaster sa Pilipinas - ang ABS-CBN matapos na maghatag ng cease and desist order (CDO) ang National Telecommunications Commission (NTC), ang media regulator sa telekomunikasyon ng bansa, Mayo 5, 2020.
Sinabihan ang ABS-CBN na maari pa naman nilang ipagpatuloy ang operasyon habang hinihintay ang natinggang pagdinig sa Kongreso na i-renew ang prangkisa at napaso nitong Lunes, Mayo 4.
Pero ang siste, nagpalabas ng stop operation ang NTC, Martes.
Sa nakaraan, nagpuyos ang galit ni President Rodrigo Duterte sa ABS, na aniya'y ang correspondents ay kilala para patahimikin ang media critics.
Bago tuluyang dumilim ang main channel, sinabi ng Chairman nitong si Mark Lopez sa mga tagatangkilik:
"It's painful for us that we are being shut down, but it's also painful for millions of our countrymen who believe that our service is important to them."
Sa naunang pahayag, sinabi ng ABS-CBN na ititigil nila ang operasyon, Martes ng gabi para tumalima sa kautusan mula National Telecommunications Commission, at himukin ang mga mambabatas sa Kamara, para i renew ang prangkisa nito.
"We trust that the government will decide on our franchise with the best interest of the Filipino people in mind, recognising ABS-CBN's role and efforts in providing the latest news and information during these challenging times," sa pahayag ng istasyon.
Sumabak si Digong sa isang long-running feud sa ABS-CBN, makaraang pikunin siya ng naturang istasyon noong 2016 presidential election sa hindi pag-ere ng kanyang campaign ads.
Hayag naman ng opposition lawmakers na ang suspension order ay binalewala ang laban kontra coronavirus outbreak, na nahawaan na ang higit sa 9,600 katao sa bansa at pumatay ng higit 600.
"This shutdown order goes against public welfare," sa pahayag ni Senator Risa Hontiveros.
Sinabi ni Antonio Albano, vice-chairman ng Kamara sa committee on legislative franchises, na kanilang inaatasan na magpaliwanag ang telecoms body sa kanilang naging aksiyon.
"We are up in arms against this," aniya sa DZMM radio, dagdag pa na tanging Congress lang ang maaring magbigay o mag- revoke ng franchise.
Inilalarawan ng media watchdogs na ang pagkilos ay seryosong pagyurak sa kalayaan ng pamamahayag.
"Ordering ABS-CBN to stop its operations is an outrageous attack on media freedom... The Filipino people need accurate information from independent sources. The government must act immediately to keep ABS-CBN on air and cease all attempts to curtail media freedom," sa pahayag ni Amnesty International Philippines section director Butch Olano.