MANILA - Pinagkalooban ng Estados Unidos ang Pilipinas ng karagdagang ayuda na nagkakahalaga ng $5.3 million o aabot ng P269 million para suportahan ang paglaban sa Covid-19 pandemic sa bansa.
Ayon sa embahada nito sa Maynila, Miyerkoles, ang bagong assistance ay nasa kabuuang P470 million o $9.3 million na U.S. Covid-19 aid sa Pinas.
" The U.S. government, through the U.S. Agency for International Development (USAID), "is collaborating with the Philippine government to implement internationally-recognized prevention, control, and response strategies to protect against infectious diseases." ayon sa statement ng U. S. Embassy .
Ginawa ang pahayag ilang araw matapos mag-alok si US President Donald Trump ng karagdagang Covid-19 response aid kay President Rodrigo Duterte sa isang pag -uusap nila sa telepono noong Abril 19.
"This newest tranche of U.S. assistance will support laboratory and specimen-transport systems and intensify case-finding and disease surveillance," sabi ng embassy.
Maaasistehan din nito ang mga Pinoy at international technical experts sa risk communication, infection prevention at control efforts, handwashing at hygiene promotion, at community-level preparedness & response.
Una nang naghatag ng US assistance sa Pilipinas na nagkakahalaga ng P203 million o $4 million kasama ang donasyong may 1,300 teheras sa Philippine medical facilities.
Ayon sa embahada, ang US aid ang magpapalakas sa kapasidad ng Department of Health sa Covid-19 testing capacity sa pag-upgrade ng laboratoryo, supplies at pagpapalakas ng specimen transport systems, kung saan madadagdagan ang testing capacity ng bansa mula 200 hanggang sa tinatayang 3,000 tests kada araw. (Robert Louis Pangilinan )