Nakatakdang makatanggap ang teaching at non-teaching personnel sa Lungsod ng Maynila ng P5,000 cash assistance mula sa local government, sa kabuuang P64 million, sa gitna ng nararanasang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Inihayag ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Domagoso noong Biyernes na kanyang inaprubahan ang pag-release ng P64-million financial assistance na ibibigay sa mga guro sa lalong madaling panahon.
“Ang lahat ng aming teacher and non-teaching personnel, sa aming elementary at public high school ay tatanggap ng 5,000 pesos bawat isa. Pinirmahan ko na kahapon yung P64 million more or less,” ani Domagoso.
Sinabi ng mayor na may 11,000 public elementary at high school personnel st
ang magbibenepisyo sa nasabing assistance.
Aniya pa, ang ayuda ay direktang idedeposito sa ATM cards ng mga guro at non-teaching personnel.
“Maubos man ang pera ng gobyerno, masaya naman ako na natamasa ito ng tao sa panahon ng kakaibang crisis,” ani Domagoso.
photo credit : Philnews.ph