Mandaluyong City -- Sa loob lang ng isang linggo, inaprubahan ng Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO) ang ₱38,855,070.66 medical assistance para sa confinement, chemotherapy, dialysis, hemophilia at post-operation medicines sa 4,468 eligible indigent beneficiaries sa buong bansa.
Mula April 20-24, 2020, ang National Capital Region (NCR) ay inaprubahan ang ayuda na nagkakahalaga ng ₱4,400,600 sa may 340 individuals, ₱9,072,617.77 para sa Southern Tagalog at Bicol Region (STBR) sa may 1,101 patients, ₱12,144,575.00 para sa Northern at Central Luzon (NCL) na may 1,432 cases, ₱8,141,439.89 sa Visayas Region para sa 858 kliyente at ₱5,095838 para sa Mindanao Region na may 737 cases.
"In all given situations, PCSO will always live up to its mandate of providing medical and healthcare services to Filipinos, bearing a part of the weight and augmenting government efforts," wika ni PCSO GM Royina M. Garma.
Ang Medical Access Program, dating Individual Medical Assistance Program o (IMAP), ay denisenyo para ilaan sa medikong pangangailangan ng mga Pilipino sa buong bansa, partikular na para sa hospital confinement, chemotherapy, dialysis at post-transplant medicines.
Ito'y naging posible sa pamamagitan ng PCSO games nationwide.
"Every time a ticket is purchased, 30% of the amount automatically goes to the PCSO Charity Fund. That’s why even if you do not bag the jackpot prize or any of the prizes, you are still a winner by helping your fellow Filipinos through the various Charity Programs of PCSO,” paliwanag ni GM Garma.
Ngayong sa panahon ng mga pagsubok, ang PCSO ay muling subok na para tulungan ang mga Pilipino, lalo na ang mga nasa laylayang sektor ng lipunan sa bisa ng kanilang Medical Access Program (MAP). Louis Pangilinan