Sweldo ni Mayor Toby inilaan  para  sa mga apektadong Navoteno

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    Gulf Coast Triumph: Jared Anderson Dominates Ryad Merhy

    Jared "The Real Big Baby" Anderson did not have a particularly eager opponent in Ryad Merhy, but...

    NM Ferriol 2nd sa Penang Open Chess

    by Marlon BernardinoGeorgetown, Penang, Malaysia---Nagwakas nang malakas si National Master Gerald...

    The Lakers secure a playoff berth with 110-106 win over the Pelicans

    LeBron James had 23 points, nine assists and nine rebounds, and the Los Angeles Lakers secured a...

    Sweldo ni Mayor Toby inilaan  para  sa mga apektadong Navoteno

    ni Robert Louis Pangilinan

    NAVOTAS - Namumutawi ang tunay na pagmamahal at pagiging ama ng Lungsod ng Navotas, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Mayor Toby Tiangco na ialay sa kanyang mamamayan  ang kabuuan ng kanyang sweldo hanggang sa matapos ang kanyang termino sa 2022

    ."Pina-compute ko na po ang sweldo ko simula April 2020 hanggang matapos ang termino ko sa June 2022. Ito ay aabot sa P3,291,809 (P121,918.88 x27 months) Kahit hindi ko pa natatanggap ito idodonate ko na ang buong halaga para mabigyan ang mga kababayan nating hindi nakatanggap ng SAP," ani Mayor Toby. " Ipinauubaya ko po sa CSWDO ang pagpili ng mga mabibigyan at ang halaga ng ibibigay.  Ang payo ko lang ay isiping mabuti kung magkano ang ibibigay at sino ang bibigyan.Halimbawa po, kapag P8,000 per family, 411 families ang mabibigyan. 

    Kapag P4,000 per family, 822 families  ang mabibigyan" ani Toby. Aniya pa,  hindi gustong mamili  ng CSWDO,  pero sa tingin niya ay walang matinong tao ang gugustuhin ang responsibilidad na ito gayong alam naman na hindi lahat ay mabibigyan." Ang pakiusap ko lang wag tayong magalit sa kanila kung hindi tayo mapipili. Mahirap po talaga itong gawin.

    Alam ko pong hindi pa rin ito sapat para mabigyan ang lahat ng mga apektado. Pagpasensyahan nyo na po ang aking nakayanan. Nawa'y makatulong ito para maibsan ang hirap na ating dinaranas ngayon,  lalo na sa pamilyang walang-wala sa buhay", mapagkumbabang wika ni Mayor. Gayunpaman,  lubos namang nagpahayag ng kani-kanilang pasasalamat ang kanyang kababayan sa Navotas:"GOD BLESS YOU MAYOR!!  Toby Tiangco SANA PO TULARAN PA KAYO NG IBA PANG MAYORS." ani Sev Sev Ducay. Sabi naman ng isa, "Thank u in advance mayor,  Hopefully yung mga hindi napili sa SAP ang kunin ng dswd especially mga pwd,  solo parent, no work no pay.

    Please lng po CSWDO pki validate  maigi ung mga pipiliin nyo. Thanks po. "Maalalang,  matapos makumpirmang may local transmission na ng mapaminsalang COVID-19 pandemic ang bansa,  iminungkahi agad ng dating congressman  sa DepEd na ipasa na ang lahat ng istudyante sa buong bansa.  (Louis Pangilinan)