Eala, TOPS Athlete of the Month para sa buwan ng Enero 2020

Latest News

Latest Reviews

Lina transfers to UP, applies for VAAS program

Former Gilas Pilipinas Youth stalwart Bismarck Lina is working on his transfer to University of...

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao join Green Archers

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao formally committed to La Salle in meeting with DLSU team...

Bren to rule VCT Stage 2 PH Challengers opener

Hashira completed a Cinderella run as it stunned heavy favorite Bren Esports, 3-2, in the grand...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

Eala, TOPS Athlete of the Month para sa buwan ng Enero 2020

NAIPAMALAS ni tennis sensation Alex Eala ang lakas ng kanyang bigwas para sa bansa, sa pakikipagtambalan na rin kay Priska Nugroho ng Indonesia, upang pamunuan ang 2020 Australian Open juniors doubles tournament nitong nakaraang Biyernes (Jan. 31) sa Melbourne Park.

Winalis nina Eala, edad 14 pa lamang, at kanyang Indonesian partner, ang European duo nina Slovenia's Ziva Falkner at Britain's Matilda Mutavdzic, 6-1, 6-2, para hablutin ang kampeonato.


Si Eala ang naging una rin upang maging Filipino na naisukbit ang juniors grand slam matapos si Francis Casey Alcantara na naiuwi rin ang Australian Open boys doubles title katuwang si Hsieh Cheng-peng ng Chinese Taipei noong 2009.

Ito rin ang ikaanim na doubles title para kina Eala at Nugroho matapos na magtambal sila noong 2017.

Sa kanyang naging tagumpay sa sinasabing isa sa apat na grand slam events, si Eala ang nagkakaisang pinili ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) bilang buwenamanong "Athlete of the Month" sa buwan ng Enero.

“Like all the other great Filipino athletes who made us proud in the last Southeast Asian Games, Eala did very well to put local tennis in the international map again,” pagmamalaki ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight.

“Her success serves as an inspiration to the Filipino youth who hope to make a difference in the wonderful world of sports,” giit pa ni Andaya.

Tunay na napasakamay ni Eala ang distinksiyon bilang unang "Athlete of the Month" ng TOPS para sa 2020.

Ito ang unang paggawad kay Eala mula sa TOPS, ang pinakabagong sports organization na kinabibilangan ng editors, reporters, columnists, at photographers mula sa ibat ibang nangungunang tabloids sa Pilipinas.

Noong nakaraang taon, iniluklok ng TOPS sina Manny Pacquiao (January), Jasmin Mikaela Mojdeh (February), Natalie Uy (March), Ernest John Obiena (April), June Mar Fajardo (May), the Philippine Canoe Kayak and Dragon Boat Federation team (June), Obiena (July), Antonella Berthe Racasa (August), Obiena (September), Caloy Yulo (October), Margielyn Didal (November) at Roger Casugay (December).

Ang TOPS ang siya ring presentor bg “Usapang Sports”, ang weekly forum na ginaganap sa National Press Club at pinapatnubayan ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drink na napapanood ng live sa Facebook via Glitter Livestream ni actor-director Carlo Maceda.PR