PH Sambo squad papasikat sa 30th SEA Games

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    Gulf Coast Triumph: Jared Anderson Dominates Ryad Merhy

    Jared "The Real Big Baby" Anderson did not have a particularly eager opponent in Ryad Merhy, but...

    NM Ferriol 2nd sa Penang Open Chess

    by Marlon BernardinoGeorgetown, Penang, Malaysia---Nagwakas nang malakas si National Master Gerald...

    The Lakers secure a playoff berth with 110-106 win over the Pelicans

    LeBron James had 23 points, nine assists and nine rebounds, and the Los Angeles Lakers secured a...

    PH Sambo squad papasikat sa 30th SEA Games

    • TOPS-Sambo
     
    BAGO man sa pandinig ng mga Filipino, hindi padadaig ang buong koponan ng National Sambo na magpamalas ng kanilang angking kakayanan, lakas at determinasyon sa darating na 30th Southeast Asian Games lalo pa’t bibitbitin sila ng mga world class athletes.
    Sasalang sa unang pagkakataon sa biennial meet ang Sambo Team sa pangunguna nina Universal Reality Combat Challenge featherweight champion Mark Edward Striegl na makikipambuno sa men’s combat under 74kgs, ONE Championship straw weight contender at dating wushu artists Rene Catalan sa men’s combat under 57kgs.
    Optimistiko si Pilipinas Sambo Federation Inc. secretary-general Paolo Tancontian na kaya nilang makapag-ambag ng 4-5 gold medals sa pagsambulat ng SEA Games sa Nob. 30-Dis. 11 sa iba’t ibang panig ng Luzon.
    Ayon kay Tancontian, na dati ring miyembro ng National Judo Team, malaki ang pag-asa ng kanilang koponan na makapagbahagi ng mga medalya sa biennial meet dahil sa matinding paghahanda at pag-eensayo ng mga National team members. Katunayan nito ay ang palaging paglahok ng mga manlalaro nito sa mga pandaigdigang kumpetisyon na nagreresulta naman ng magandang kalabasan.
    “Malaki po ang laban natin sa SEA Games. I think kaya natin mag-overall,” pahayag kahapon ni Tancontian sa lingguhang TOPS sa National Press Club kasama si coach Ace Larida. “We’re very lucky that we’ve given a chance by the Philippine Sports Commission (PSC) and Philippine Olympic Committee (POC) na maaprobahan ang accreditation namin para sa SEA Games,” dagdag nito.
    Mayroong apat na combat event, dalawang sport at isang mixed 5-man team ang nakatakdang laruin sa Sambo event na magbubukas simula Disyembre 5-6 sa Angeles University Foundation Gymnasium sa Clark, Pampanga.