Mike Swift, KOTC | STR8 nagsanib-pwersa para pagandahin ang mga street basketball courts

Latest News

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

Mike Swift, KOTC | STR8 nagsanib-pwersa para pagandahin ang mga street basketball courts

Pagpapaganda ng mga basketball court sa kalye at pagbago sa mga buhay ng street ballers sa Metro Manila ang isa ngayon sa mga inaatupag ni batikang rapper na si Mike Swift, sa pakikipagtulungan sa organisasyong Kings of the Court | STR8.

Kilala bilang host ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3, si Swift mismo ang nasabi na pagbabalik-loob ang nagtulak sa kaniya upang isagawa ang inisyatibo.

l"To me, it's keeping the courts clean, allow us to have a good place to play together, an environment," ani Swift, na kilala rin sa tawag na Mr. Pinoy Hoops.

Sa tulong ng KOTC | STR8 ni founder Cholo Legisma, hindi lang napinturahan at napaganda ang mga basketball courts; nagkaroon rin ng mga donasyon para sa mga apektado ng kalamidad na isa sa mga layunin ni Swift.

"Pipinturahan namin ang court niyo, magdala lang kayo ng mga lumang sapatos at damit, dadalhin namin yun sa mga nasalanta," sabi ni Swift.

Nag-umpisa ang samahan ng dalawa nang malaman ni Legisma ang tungkol sa mga proyekto ni Swift sa Tenement.

"We partnered with Mike Swift in one of our events and we talked about the idea. Ang ginagawa kasi niya is, he is refurbishing the courts and donating old shoes or basketball attires," ani Legisma.

Dagdag pa ni Swift, ang pagpapalinis at pagpapaganda ng mga street basketball courts ay makatutulong para mabigyan ng maayos na lalaruan ang mga nangangarap maging 3x3 players ng bansa.

"Parte ng paglinis is to develop the athletes in 3x3. It's really just a step forward to having a better space for future athletes to play the 3x3," aniya.

Sa pamamagitan ng mga palaro ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3, tinutulungan ni Swift ang bansa na makapasok sa Olympics ng 3x3 basketball dahil nakaiipon ng mas maraming puntos sa FIBA 3x3 rankings.

At hindi lang sa pagpapaganda ng mga court natatapos ang ambisyon ng dalawa, na gustong magbigay kaalaman sa mga street basketball players sa pamamagitan ng mga clinics.

"We wanted to help Mike, kasi ang ginagawa namin is doing this initiative of painting courts. So he wanted to add on to it by holding seminars and basketball clinics, and also 3x3 and 5x5 tournaments, knowledge transfer for officiating the game," ani Legisma.

"It's Mike's passion pero nalipat na rin sa amin."

Hinihikayat ni Legisma na kausapin o i-message si Swift sa social media upang marinig ang mga kwento ng iba't ibang basketball court sa mga barangay sa ka-Maynilaan at kung bakit dapat silang mapili upang baguhin ang kanilang mga nilalaruan. TOPS Press release