MANILA---Target ng dalawang chess champion na sina Atty. Nolan V. Banda ng Bicol at Dr. Ariel Potot ng Cebu ang dalawang upuan sa Kamara sa nalalapit na 2022 National Election sa Mayo.
Sina Atty. Banda at Dr. Potot ang 1st at 2nd nominee ng Barkadahan Para Sa Bansa Party list na magsisilbing boses ng mga woodpushers o chess players sa Kongreso.
Kamakailan ay nagpahayag ng full support si International Billiards at Snooker Champion Kap. Marlon Manalo ng Mandaluyong City at Cavite Spartans Team Owner Coach Ederwin Estavillo ng General Trias City, Cavite sa Barkadahan Para Sa Bansa Party list.
Isa din sa pinagtutuunang pansin ng Barkadahan Para Sa Bansa Party list ang pagpapalaganap ng sports sa bansa. Sa Katunayan ay magsisilbing punong abala din si Dr. Ariel Potot na Vice Chairman ng PCAP at founder din ng RiChessMasters sa pagtulak ng Mactan Open at National Open Men's division grand finals sa Disyembre 10-15, 2021 na gaganapin sa Solea Hotels and Resorts, Cordova, Cebu sa pakikipagtulungan ng National Chess Federation of the Philippines.-Marlon Bernardino-
Sina 1st nominee Atty. Nolan V. Banda ng Bicol at 2nd nominee Dr. Ariel Potot ng Cebu sa kanilang Barkadahan Para Sa Bansa Party list.