PSC Indigenous Sports and Games Webinar series simula na

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    CONVERGE BOOSTS FIGHTING MAROONS WITH TEAM SHUTTLES

    Converge ICT Solutions, a solid supporter of the UP Men’s Basketball Team (UPMBT), turned over two ...

    Steven Butler-Patrice Volny Middleweight Showdown to Stream LIVE & Exclusively in the U.S. on ESPN+

    Two-time world title challenger Steven Butler faces countryman Patrice Volny in the 10-round...

    Jason Oba-ob stages dramatic comeback to reach semis

    ANTIPOLO CITY -- Top seed Rabie Jayson Oba-ob advanced to the semifinals of the 2024 Philippine...

    PSC Indigenous Sports and Games Webinar series simula na

    SENTRO ng usapin ang mga programa sa Indigenous Games sa pagsisimula ng webinar ng Philippine Sports Commission (PSC) 2021 Indigenous Sports and Games Webinar Series: Preserving and Promoting the Rich Cultural Heritage of our Ancestors ngayon,

    Ang apat na serye ng seminar ay bahagi ng pagdiriwang ng Indigenous Peoples’ Month at magtatampok sa mga kilalang resource speakers sa naturang programa.


    Sisimulan ni Tourism Officer of Hungduan, Ifugao Haydee Hermosora ang programa sa pagtatalakay sa paksa na “Punnuk”, isang matandang kaugalian at tradisyon na ginagawa ng mga residente ng Hungduan bilang pasasalmat sa masaganang ani. Kinila ito bilang isa sa Intangible Cultural Heritage of Humanity ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) noong 2015.

    Tatalakayin naman ni Professor Jo-Ann Gimenez Grecia ng Department of Professional Education, University of East (UE) Manila ang “Teaching Philippine Games: Perspective from Non-Indigenous Physical Educator” sa October 21.

    Susunsan ito ng paksang ‘Cultural Sensitivity’ ni Director Ferdausi S. Cerna ng Bureau Office of Education, Culture, and Health of the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa October 28.

    Ang huling paksa sa Nobyembre 5 ay ang “Traditional and Indigenous Games as Intangible Cultural Heritage” na tatalakayin ni Prof. Pere Lavega, President of the European Association of Traditional Sports and Games.

    Umaasa si PSC Commissioner Charles Raymond A. Maxey, oversight for the Indigenous Peoples Games program, na mas mapapataas ng naturang programa ang kamalayan ng Pilipino, higit ng mga kabataan sa kahalagahan ng mga matatandang kaugalian at tradisyon.

    “We believe that these honored resource speakers will further encourage not just the Indigenous Peoples (IPs) but all Filipinos to promote and showcase our traditional games,” pahayag ni Maxey.

    Kabuuang 1,000 kalahok ang inaasahang lalahok sa programa, sa pagtataguyod ng NCIP at Pocari Sweat, ganap na 1:00 ng hapon via Zoom.