Pro Sports buhay sa pandemya -- GAB

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    PH PRIDE: Filipino chess master Lorenzo Aaron Cantela naghari sa Thailand Chess tourney

    by Marlon BernardinoManila---Nagwagi kamakailan si Lorenzo Aaron Cantela, isang national master sa...

    UAAP Season 86 Men’s Football Tournament

    NINE-MAN University of the East achieved its most significant result of the UAAP Season 86 Men’s...

    PROFESSIONAL FIGHTERS LEAGUE SIGNS HOTTEST FREE AGENT IN ALL OF MMA, PAUL HUGHES, TO EXCLUSIVE, MULTI-FIGHT CONTRACT

    The Professional Fighters League (PFL), the fastest-growing and most innovative sports league, is...

    Pro Sports buhay sa pandemya -- GAB

    TULOY lang ang ikot ng mundo sa professional sports, sa kabila ng kinakaharap na suliraning pangkalusugan at kabuhayan ng bansa dahil sa pandemya.

    Isang boses para sa layuning makapagpatuloy – sa sitwasyong pasok sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force – ang mga organizers, promoters, team owners, sponsors at maging ang mga atleta para mapanatiling buhay at makapag-bigay ng tuwa at inspirasyon sa sambayanan.

    Ipinahayag ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang kasiyahan matapos personal na marinig hindi lamang ang mga hinaing bagkus ang pagpupursige ng professional sports stakeholder na makapagpatuloy sa kabila ng kinakaharap na pandemya sa isinagawang virtual 3rd Professional Sports Summit nitong Miyerkoles.

    “Despite the current situation, nakakatuwa pong malaman na hindi sumusuko ang mga stakeholder ng professional sports. Kahit hinay-hinay at sa mahigpit na pagpapatupad ng ‘safety and health’ protocol ay handa silang makipaglaban sa pagnanais na mabigyan ng kabuhayan ang ating mga atleta at makapagbigay ng kasiyahan sa ating mga kababayan,” pahayag ni Mitra.

    Sa kabila ng desisyon ng IATF na ipagbawal ang panonood ng live, isinakatuparan ng Philippine Basketball Association (PBA), Vismin Philippine Super Cup, at Premier Volleyball League (PVL) ang kani-kanilang ‘bubble set-up’ para maidaos ang liga na inaabangan ng mga Pinoy sports fans.

    Humirit din sa online platform ang chess, gayundin ang eSports na ayon kay Mitra ay isa sa pinakamabilis and progresibong organisasyon sa antas ng pagsasagawa ng torneo at paglalaan ng malaking premyo.

    “I think isa sa legacy namin sa GAB ay ang professionalizing eSports. Malaki ang naitutulong nila sa Pinoy gamers. Yung chess naman, active na active kahit walang face-to-face,” sambit ni Mitra.

    Ipinahayag naman ng mga boxing promoters at managers na patuloy nilang isasagawa ang promosyon sa sports sa mga lugar na may mababang quarantine level at nagpapatupad ng mas maluwag na mga panuntunan.

    “Were obliged to help and process the documents of our Filipino fighters so they can go out and fight abroad. Mas maluluwag na talaga yung mga protocol sa abroad kaya kung may pagkakataon ang ating mga boxers na lumaban asikasuhin namin agad yan,”? pahayag ni Mitra.

    Sinabi ni Mitra na ang pagsasagawa ng Sports Summit – ikatlo sa kanyang termino mula ng mailagay ng Pangulong Duterte sa GAB – ay paraan din upang mabigyan ng gabay ang iba pang league organizers na tularan ang ginawang ‘bubble’ tournament ng mga nabanggit na liga,
    “Mahabang panahon na ring umaaray ang ating mga atleta dahil sa pandemic. Kaya bawat pagkakataon na may malaruan sila para kumita, susuporta kami sa GAB,” pahayag ni Mitra, kasabay ang paalala na umiwas sa illegal na pamamaraan tulad ng game-fixing bilang proteksyon na rin sa kanilang hanap-buhay.

    Kabilang si World Boxing Council (WBC) president Mauricio Sulaiman sa nagpahayag ng suporta sa liderato ni Mitra sa GAB, habang nagkakaisa sina Senators Joel Villanueva, Sonny Angara, Will Gatchalian, Bong Go at Pia Cayetano, gayundin si PBA Partylist Rep. Jericho Nograles na ipagkaloob ang karampatang dagdag na pondo sa GAB para higit pang mapaglingkuran ang atleta Pinoy and professional sports.