MAS malaking bilang ng indibiwal, kabilang na ang presensiya ng live audience ang isa sa pangunahing isusulong ng Games and Amusements Board (GAB) sa 2021.
Ayon kay GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, kabilang ang pagdagdag sa kapasidad ng taon sa professional sports event sa mga kahilingan na isinumite ng ahensiya sa Inter-Agency Task Force (IATF).
“Lesson learned yung mga ginawang bubble. At nakita namin na kailangan na talagan mag-level up. Gumawa na kami ng ‘Supplemental Guidelines’ sa napaaprubahan nating JAO at isinumite na main ito sa IATF,” pahayag ni Mitra sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports nitong Huwebes via Zoom.
Ayon kay Mitra, ang pagpapayag sa live audience ay isa ring pamamaraan upang masigurong buhay ang liga.
“Sa pro sports , hanap-buhay ito ng mga player, sa sponsors at team owners yung live audience ay malaking tulong sa ticket sales na siya namang kita nila.
‘From 20 percent na tao sa venue, request namin madagdagan sa 50% percent kasama na diyan ang team officials, players at audience,” wika pa ni Mitra.