TOPS "Usapang Sports" dalawang taon na!

Latest News

Latest Reviews

Lina transfers to UP, applies for VAAS program

Former Gilas Pilipinas Youth stalwart Bismarck Lina is working on his transfer to University of...

Liyab bags 3rd place in LOL: Wild Rift Frontier Contenders 2021 Tournament

Team Liyab defeated Sunsparks, 2-1 to wound up third overall in the League of Legends: Wild Rift...

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao join Green Archers

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao formally committed to La Salle in meeting with DLSU team...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

TOPS "Usapang Sports" dalawang taon na!

Ipagdiriwang ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ang ikadalawang taong anibersaryo nito sa lingguhang “Usapang Sports” ngayon sa isa na namang interesanteng diskusyunan via Zoom.

Sina Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham “Baham” Mitra at Commissioners Eduard Trinidad at Mar Masanguid ay tatalakayin ang parating na Philippine Professional Sports Summit na nakatakda sa Dec. 5.

Ihu-host ng GAB ang ikalawang edisyon ng pro sports summit via zoom teleconferencing.

Si Philippine Judo Federation president David Carter at Philippine Squash Academy president Robert Bachman ay pag-uusapan naman ang hinggil sa Philippine Olympic Committee (POC) election na nakatakda sa Nov. 27.

Target ni Carter ang pagiging board member sa ilalim ng ticket ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino, habang si Bachmann ay tumatakbo sa kaparehong posisyon sa ticket ni archery head Clint Aranas.

Sinabi ni TOPS president Ed Andaya of People’s Tonight na ang Usapang Sports” ngayon ay ang ika-78 yugto ng lingguhang public service program isponsor ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Games and Amusements Board (GAB).
Ang sports forum ay nagsimula noong November 2018 kung saan naging panauhing tagapagsalita sina PSC Chairman William “Butch” Ramirez at Mitra sa National Press Club sa Intramuros.

Matapos ang 58th episode nito noong March 5, napuwersa ang TOPS na gawin ang bagong plataporma sanhi ng coronavirus pandemic.

Nagsimula ang TOPS “Usapang Sports on Air” noong nakalipas na July 2 at ngayo'y nasa ika-21 edisyon ng itinataguyod.

Ang TOPS ay kinabibilangan ng sports editors, reporters at photographers sa mga nangungunang pambansang tabloids ng bansa at blogger-friends sa sports community.