GAB Pro Sports Summit larga sa Disyembre 5

Latest News

Latest Reviews

Lina transfers to UP, applies for VAAS program

Former Gilas Pilipinas Youth stalwart Bismarck Lina is working on his transfer to University of...

ONE Esports and Moonton Announce Mobile Legends Professional League Invitational

20 Southeast Asian teams will compete for a $100,000 USD prize pool in a tournament presented by...

MPL-PH Season 6 regular season final standings

The sixth season of Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL-PH) is over and the...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

GAB Pro Sports Summit larga sa Disyembre 5

MAY oportunidad – kahit isang araw lamang – ang mga sports leader, stakeholder at atleta – na makibalita at makapagtanong sa mga pinakabagong kaganapan sa professional sports sa gaganaping Philippine Professional Sports Summit ng Games and Amusements Board (GAB) sa Disyembre 5 via Zoom teleconference.

Nakatakda ang virtual summit ganap na 9:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.
Inaasahan din ang malayang talakayan, higit sa mga nakalinyang plano ng GAB para sa tuluyang pagbabalik aksiyon ng professional sports na halos walong buwan ding sumadsad dulot ng ipiantupad na lockdown ng pamahalaan para labanan ang COVID-19 pandemic.

Target din sa isang araw na programa ana makuha ng GAB ang iba pang hinaing at pangangailangan ng sektor, higit ng mga atleta na lubhang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pandemic at nagdaang super typhoon Rolly at Ulysses na nanalasa sa buong Luzon.

“Ito po ang ikalawang Sports Summit ng GAB, medyo kakaiba lang sa nakalipas na taon dahil sa ipinapatupad na ‘safety and health’ protocol. Pero kahit sa online lang po tayo, makakaasa po ang ating mga stakeholders na didingin ng GAB ang anuman pong hinaing o pagbabago na nais ng marami para sa kapakanan ng pro sports at mga atleta,” ani GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

Ikinagalak ni Mitra na sa kabila ng dinaranas ng bansa sa kasalukuyan, nagdesisyon ang ilang organisasyon na maipagpatuloy ang kanilang programa para sa sports development kaagapay ang GAB.

“Natutuwa po tayo at kahit may pandemic, hindi po tumitigil ang ating mga stakeholders sa kanilang programa at nagpapasailaim sila sa regulasyon ng pamahalaan. Ito po at ang iba pang dapat gawin ang atin pong paguusapan sa Summit,” ayon sa dating Palawan Governor at Congressman.

Sa nakalipas na anim na buwan, nagsumite ng kanilang aplikasyon para maging professional leagues ang National Basketball League (NBL), Women’s National Basketball League (WNBL), Chooks-to-Go 3x3, Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) at ang Premier Volleyball League (PVL).

Inimbitahan ni Mitra ang stakeholders na makiisa sa Summit. Sa mga interesado, magparehistro online sa GAB: https://docs.google.com/.../1FAIpQLSe-Fr.../viewform..