GAB-MPD, nangalampag kontra ‘bookies’

Latest News

Latest Reviews

Lina transfers to UP, applies for VAAS program

Former Gilas Pilipinas Youth stalwart Bismarck Lina is working on his transfer to University of...

ONE Esports and Moonton Announce Mobile Legends Professional League Invitational

20 Southeast Asian teams will compete for a $100,000 USD prize pool in a tournament presented by...

MPL-PH Season 6 regular season final standings

The sixth season of Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL-PH) is over and the...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

GAB-MPD, nangalampag kontra ‘bookies’

PATULOY ang operasyon ng Games and Amusements Board (GAB) Anti-Illegal Gambling Division para masawata ang pagbabalik ng illegal ‘bookies’ sa horseracing at sabong sa panahong aprubado na ang pagbubukas ng dalawang industriya na malapit sa masang Pinoy.

Sa pangunguna ni GAB-AIGD Chief Glenn Pe, at sa koordinasyon sa Manila Police Department-District Intelligence Division (MPD-DID), nagsagawa ng joint anti-gambling operation sa Kalimbas St. Sta. Cruz, Manila nitong Nobyembre 8 na nagresulta sa pagkaaresto ng tatlong suspek na nagmamantina ng iligal bookies.

Dinakip at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso na paglabag sa PD 1602 na naamyendahan ng RA 9287 (Illegal horseracing bookies) sina Hazel Francisco, Brual Acuna at Jaime Adalim. Makumpisa sa kanila ang TV monitor, iba;t ibang paraphernalia at cash.
“Ngayon pong nagbabalik na ang industriya ng karera at sabong, balik din sa illegal na gawain ang ilan natin kababayan. Ngunit, makakaasa po ang ating publiko na gagawin namin ang lahat para matigil ang kanilang gawain,” pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

“Sa atin pong kababayan, kung nais po ninyo suportahan ang industriya ng horseracing at sabong na mahabang panahon ding nalugmok dahil sa lockdown, doon na po tayo magpunta sa legal at may online apps na rin po para maiwasan ang contact,” aniya.

Iginiit ni Mitra na Malaki ang naiaambag ng industriya ng horseracing at sabong sa pamamagitan ng buwis na nakukuha sa cash prizes at iba’t ibang aspeto na direktang sangkot sa programa at pamamalakad.

Nito lamang Oktubre, inilabas ng GAB Horseracing Division na tummas ang sales sa horseracing sa 45% mula ang buksan ang kabuuang 72 off-tack betting stationg sa Metro Manila