Suspensyon ng ITF sa Philta,Capadocia, positibong haharapin

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    PH PRIDE: Filipino chess master Lorenzo Aaron Cantela naghari sa Thailand Chess tourney

    by Marlon BernardinoManila---Nagwagi kamakailan si Lorenzo Aaron Cantela, isang national master sa...

    UAAP Season 86 Men’s Football Tournament

    NINE-MAN University of the East achieved its most significant result of the UAAP Season 86 Men’s...

    PROFESSIONAL FIGHTERS LEAGUE SIGNS HOTTEST FREE AGENT IN ALL OF MMA, PAUL HUGHES, TO EXCLUSIVE, MULTI-FIGHT CONTRACT

    The Professional Fighters League (PFL), the fastest-growing and most innovative sports league, is...

    Suspensyon ng ITF sa Philta,Capadocia, positibong haharapin

    Susuungin ng mga kasapi ng Philippine Team ang ipinataw na suspensyon sa Philippine Tennis Association (PHILTA) ng International Tennis Federation (ITF) sa positibong prinsipyo dala ang determinasyon at pagkakaisa para sa mas makabuluhang programa sa hinaharap.

    Sa ganitong paninindigan ang tanging magagawa ng local tennis players, sa pangunguna ni Philippine women’s top rank player Marian Jade Capadocia, na siyang direktang apektado sa dalawang taong suspensyon ng Philta sa International tennis body.

    “Malungkot, pero kung yung failure ang iisipin mo talagang mahirap maka-move on. Right now we are barred to play in all ITF-sanctioned tournament which definitely a big blow in our quest for world ranking. Pero hindi kami humihinto, training lang, para sakaling makabalik na kami everybody are ready to play,” pahayag ng 24-anyos veteran internationalist.

    Ang kakulangan sa sponsorship mula sa pribadong sektor ang malaking dagok din sa kampanya ng mga player (individually) para makalaro sa labas ng bansa.

    “Kung may sponsors sana kahit papaano, makakalaro tayo sa mga tournament sa abroad outside ITF sanctioned event para ma-develop din 'yung game plan mo. Iba rin kasi pag ang kalaban mo foreigner may iba silang sistema na matutunan mo,” sambit ni Capadocia sa kanyang pagharap sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ on Air via Zoom nitong Huwebes at livestreaming sa Facebook at Youtube.

    Masasabing nahasa ng todo si Capadocia sa kanyang paglahok sa serye ng tournament sa Europe nang mga panahon na may suliranin siya sa liderato ng Philta.

    “With the help of my family before, nag-try akong lumaro sa mga tournament sa Europe. Maganda namana ng resulta dahil may pagkakataon na umaabot ako sa semifinals,” aniya.

    Matatandaang nawala sa No.1 ranking si Capadocia nang maaalis siya sa National Women’s Team bunsod nang hidwaan niya sa mga dating opisyal ng Philta.
    Sa pag-upo ni Atty. Antonio Cablitas noong 2017, nakabalik sa koponan si Capadocia at naging kinatawan ng bansa sa iba’t ibang international tournament kabilang ang Federation Cup dahilan para muling makuha ang No.1 ranking.

    “Malungkot talaga dahil before may problema ako sa PHilta. Ngayong naayos na, yung Philta naman ang nagkaproblema sa ITF. Hopefully, maayos kaagad para makabalik kami sa ITF-sanctioned event,” sambit ni Capadocia.

    Ngunit, tila maghihintay ng dalawang taon si Capadocia at ang buong National Team dahil sinabi ni Cablitas na hindi na siya aapela sa naging desisyon ng ITF bagkus susundin na lamang niya ang mga ipinag-uutos ni ITF president President David Haggerty na ‘fix the governance and representation issues’ sa Philta.