Wesley So ika-3 puwesto; Samuel Shankland kampeon sa US Championships

Dutdutan 2018

Wesley So ika-3 puwesto; Samuel Shankland kampeon sa US Championships

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino

TUMAPOS ng ika-3 puwesto si Filipino Grandmaster Wesley So sa 2018 US Chess Championships nitong Lunes, 2.5 points ang angat ng nag kampeon na si GM Samuel Shankland na ginanap sa Saint Louis Chess & Scholastic Chess Club sa St. Louis, Missouri, USA.

Tangan ang puting piyesa, tabla ang laban ni Bacoor, Cavite native So kontra kay GM Hikaru Nakamura matapos ang 30 moves ng Nimzo-Indian defense sa eleventh at final round.

Siya ay nakakolekta ng 6.5 points mula sa two wins at nine draws sa single round-robin tournament. Ang last year champion So ay nakatangap ng cash prize $25,000 sa kanyang effort.

Sa panig ni Shankland ay giniba si GM Awonder Liang matapos ang 43 moves ng Caro-Kann defense.

Tinapos ni Shankaland ang kanyang kampanya na may undefeated record na 8.5 points mula six wins, five draws tungo sa top prize $50,000.

Tinalo naman ni GM Fabiano Caruana si GM Alexander Onischuk matapos ang 29 moves ng Ruy Lopez Opening tungo sa second overall na may 8.0 points mula sa six wins , four draws at loss para maiuwi ang runner-up prize $35,000.

-Marlon Bernardino