Lavega, Acaling, Alidani, Neri paborito sa PECA Visayas leg

Lavega, Acaling, Alidani, Neri paborito sa PECA Visayas leg

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
ANG presensiya at paglahok nina Carlito Lavega ng Iloilo, Alfredo Acaling ng Negros Occidental, Leonardi Alidani ng Cebu at host Wilfredo Neri ng Aklan ang magbibigay ng dagdag attraksiyon at mas lalong maging mahigpitan ang tagisan ng isipan sa pagtulak ng Philippine Executive Chess Association (PECA) 4th leg Alphaland National Executives Chess Circuit Visayas Leg sa Kubo Bar Garden and Restaurant sa Kalibo, Aklan sa Sabado, Abril 28, 2018 dakong alas-10 ng umaga.

Inaasahan naman magbibigay ng magandang laban ang mga Metro Manila at Luzon entries na kinabibilangan nina 7-times Philippine Executive Champion Dr. Jenny Mayor, Information Technology (IT) expert Joselito Cada, Atty. Cliburn Anthony A. Orbe, Dr. Alfredo "Fred" Paez at MVP Olympics PLDT chess Team Manager Martin "Binky" Gaticales kung saan ang top prize ay P10,000 plus trophy.

Ipaparada naman ng Mindanao entry ay si Lito Dormitorio, tubong Iloilo at naka base na ngayun sa Kidapawan, North Cotabato.
Si G. Dormitorio naman ang magsisilbing punong abala sa 5th leg Philippine Executive Chess Association (PECA) Mindanao leg sa Mayo 26 na gaganapin sa Punta Isla Lake Resort sa Lake Sebu, South Cotabato.

Para sa mas kapana-panabik na labanan sa Mindanao leg nag desisyon si G. Dormitorio na doblehin ang premyo kung saan bukod sa trophy ay P20,000 ang maiuuwi ng magkakampeon sa Lake Sebu, South Cotabato Mindanao leg.
Ang first leg winner ay si engineer Benjamin "Benjie" Esquejo, second leg winner naman ay si engineer Arjoe Loanzon habang ang 3rd leg winner ay si Chemist Ritchie Evangelista.-Marlon Bernardino-