FAR EASTERN UNIVERSITY KAMPEON SA 6TH RED KINGS CHESS TEAM TOURNAMENT

What are your #siblinggoals?

FAR EASTERN UNIVERSITY KAMPEON SA 6TH RED KINGS CHESS TEAM TOURNAMENT

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino

NAGKAMPEON nag Far Eastern University (FEU) chess team sa katatapos na 6th Red Kings Chess Tournament na tinampukang Open Doubles Team Chess Championship na ginanap sa Multipurpose Hall, Meralco Fitness Center, Meralco Compound, Ortigas Avenue sa Pasig City, nitong weekend (Abril 22, 2018).
Ito ay isinahimpapawid ng live worldwide sa YouTube at Facebook channel ng National Chess Federation of the Philippines.

Nasa pangangasiwa ni multi-titled coach Grandmaster Jayson Gonzales, ang FEU Tamaraws woodpushers ay binubuo nina Board 1 National Master (NM) John Merill Jacutina at Board 2 Istraelito Rilloraza na tinangap ang P14,000 top cash prize matapos makalikom ng 13.5 puntos sa Nine-round Swiss System format chessfest.
Si Rilloraza ang nagwagi sa Board 2 Gold medallist na nakaipon ng 8.5 out of 9 points , almost perfect performance na may 1 draw at 8 wins.

Ang second place sa chessfest ay nakamit ng Team Bravo/Philippine Army chess team na nag-uwi naman ng P8,000 na may 13.0 puntos sa chessfest.

Ang Team Bravo/Philippine Army team chess team ay kinabibilangan nina board 1 International Master (IM) Joel Pimentel at board 2 Mark Bravo.
Nasukbit ni Pimentel ang Board 1 Gold Medalist na may 7 wins at 2 draws tungo sa total output 8 out of 9 points.

Ang third place naman ang Bank of Philippine Island (BPI) Chess Team na kinabibilangan nina board 1 National Master (NM) Nick Nisperos at board 2 Jovert Valenzuela.

Tinangap ng BPI Chess Team (12.5 points) ang P6,000 cash prize sa chessfest.
Ayon kay tournament organizer Fide Master (FM) Nelson "Elo" Mariano II ay may kabuuang 59 Teams , 28 Titled Players, 100+ Players mula different Schools, Univesities at Companies ang lumahok sa nasabing event kung saan ay may apat (4) na si Digital Game Technology (DGT) ang ginamit sa nasabing event courtesy ni Philippine Executive Chess Champion Atty. Cliburn Anthony A. Orbe.

"Thank you Atty. Cliburn Anthony A. Orbe for the 4 DGT Boards to make this event to be more prestigious," sabi ni Elo, nakababatang kapatid nina Grandmaster (GM) Nelson Mariano at Woman International Master (WIM) Cristine Rose Mariano-Wagman.

Ang Tournament Director iay si Fide National Arbiter Alexander "Alex" Dinoy habang ang Chief Arbiter ay si International Arbiter Gene Poliarco at ang assistant naman ay sina National Arbiter Alfredo Chay at National Arbiter Christian Javier.-Marlon Bernardino-