Caruana nakisalo kay So sa liderato sa US Chess Championship

Caruana nakisalo kay So sa liderato sa US Chess Championship

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
TINALO ni World Championships Challenger Super GM Fabiano Caruana (Elo 2804) kontra si Super GM Ray Robson (Elo 2660) matapos ang 40 moves ng Petroff defense para makaipon ng 4.0 puntos matapos ang Round 6 at magawang makisalo kay Super GM Wesley So (Elo 2786) sa pangkahalatang liderato sa patuloy na idinaraos na 2018 US Championship na ginanap sa Saint Louis Chess & Scholastic Chess Club sa St. Louis, Missouri, USA, Martes ng umaga.

Nauwi naman sa tabla ang laban ni So kontra kay GM Zviad Izoria (Elo 2599) matapos ang 30 moves ng Catalan Opening.

Ito na ang ika-4 na beses na nakipaghatian ng puntos si So, tubong Bacoor, Cavite na nagtatangka na maidepensa ang tangan na titulo sa US Championship.

Si Izoria naman ang bukod tanging manlalaro na nagpatikim ng kabiguan kay Caruana sa Round 4.

Si Caruana naman ang nag kampeon sa Candidates kamakailan na ginanap sa Berlin, Germany ang hahamon kay Reigning World Champion Super GM Magnus Carlsen (Elo 2843) ng Norway sa Nobyembre para sa pandaigdigang titulo.-Marlon Bernardino-