So at Liang tabla sa US Championship

So at Liang tabla sa US Championship

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

NAUWI sa "fighting draw" ang tagisan ng talino sa pagitan nina Super GM Wesley So (Elo 2786) at GM Awonder Liang (Elo 2552) matapos ang Round 3 ng 2018 US Championship na ginanap sa Saint Louis Chess & Scholastic Chess Club sa St. Louis, Missouri, USA, Sabado ng umaga.

Tangan ang itim na piyesa, nakipaghatian ng puntos ang tubong Bacoor, Cavite na si Si kontra kay Liang matapos ang 57 moves ng French defense. Nang natapus ang laro sina So at Liang ay may tig isang kabayo at tig tatlong piyon sa kanilang "knight and pawn engame."

Una dito ay nanaig muna si So kontra kina Super GM Yaroslav Zherebukh (Elo 2640) matapos ang 53 moves ng Sicilian defense, Rossolimo variation sa Round 1 at Super GM Alexander Onischuk (Elo 2672) matapos ang 45 moves ng Ruy Lopez Opening sa Round 2.

Matapos ang tatlong laro, nakaipon na si So ng kabuuang 2.5 puntos mula sa dalawang panalo at isang tabla, kaparehas ng naitala ni Super GM Varuzhan Akobian (Elo 2647) na tabla din sa Round 3 kontra kay GM Aleksandr Lenderman (Elo 2599) matapos ang 69 moves ng Queen's Gambir declined hawak ang itim na piyesa.

-Marlon Bernardino-