2000 Chess Team Tourney

What are your #siblinggoals?

2000 Chess Team Tourney

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Nagpakitang gilas ang Maravril Enterprise Team B matapos maangkin ang titulo ng 2nd Chessmates Dos Por Dos Dalawahan 2000 Chess Team Tournament nitong Oktubre 22,2017 na ginanap sa Alphaland Southgate Mall Magallanes, Makati City.

Sa pagrenda nina Fide Master Christopher Castellano at Engineer Benjie Esquejo kung saan ang Maravril chess team na suportado ni Capt. Melvin Duay ay nakopo ang titulo matapos itarak ang 11 game points output sa event na inorganisa ni New Jersey-based US master Arthur Macaspac.

Sa final round, tinalo ng Maravril chess team ang Makati Hope Christian School, 2-0, para makopo ang top prize P10,000 plus elegant trophy.

Panalo si FM Castellano kontra kay Narcisco Gumila Jr. sa kanilang top board encounter habang angat naman si Engr. Esquejo kontra kay Marquel Soria sa kanilang lower board skirmish.

Tampok din ang Team Orbe B nina  Ricardo Batcho at Don Hamilton Arias matapos kunin ang second place sa bisa ng higher tie break points kontra sa fellow 10.5 points marker na Team Cute Cute nina Jan Roldan Oriendo at Michael Angelo Angeles.

Magkasalo sa fourth hanggang sixth placers na may identical 10.0 game points ang Team Dumadag B  nina Lourecel Ecot at Genghis Imperial; Gainsfiled Chess Team nina Alvin Roma at Enrique David II at DMJR nina Raffy Lobitana at Domingo Libay. (Marlon Bernardino)