TOPS Athlete of the Month si John Ernest Obiena

TOPS Athlete of the Month si John Ernest Obiena

TOPS Athlete of the Month si John Ernest Obiena

TOPS Athlete of the Month si John Ernest Obiena

Si Ernest John Obiena, ang unang  atletang Pinoy na nakapasok  para sa  2020 Tokyo Olympics,  ang siyang hinirang bilang  "Athlete of the Month" para sa buwan ng September ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).
 
Nakopo ni Obiena ang pagkilala nang kanyang lagpasan ang  5.80-meter qualifying standard sa pole vault sa athletics meet sa Chiara, Italy nitong Sept. 2.
 
Ang 23-year-old na anak ni dating pole vault great Emerson Obiena ay aktuwal na hinawi ang  5.81 meters sa paggiba sa limang oposisyon para sa gold medal sa torneong saklaw ng   International Amateur Athletic Federation (IAAF).
 
EJ Obiena's latest success in pole vault in Chiara, Italy  early this month stands out as the most inspiring achievement by the Filipino athletes for September," wika ni TOPS president Ed Andaya ng People's Tonight.
"More importantly,  Obiena also became the first Filipino to book a ticket to the Tokyo Olympics," aniya pa.
 
Ito na ang ikatlong beses na si Obiena nakuha ang buwanang karangalang alay mula sa  TOPS,  ang pinakabagong media organization na kinayampukan ng editors, reporters ar photographers mula sa  nangungunang  tabloids sa bansa. 
Naging unanimous choice din si Obiena  ng TOPS para sa buwan ng  April nang kanyang angkinin ang gold medal sa Asian Athletics Championships sa Doha, Qatar.
 
Ang University of Santo Tomas graduate ay inani ang TOPS award para sa ikalawang pagkakataon kasunod ng kanyang historic gold-medal triumph sa Napoli Universiade sa Italy nung July.
 
Kinunsidera din ng  TOPS para sa monthly award sina boxing hero Pedro Taduran,  Jr.,  na tinalo si  Samuel Salva sa all-Filipino showdown para kunin ang  IBF minimumweight world championship;  at chess champions  iM Paulo Bersamina at Jan Jodiyn Fronda, na dominado ang GM Rosendo C. Balinas Memorial Cup at National women's chess Championship,  ayon sa pagkakasunod.
 
Ang mga nakaraang TOPS  monthly awardees ay sina Manny Pacquiao (January), Jasmin Mikaela Mojdeh (February), Natalie Uy (March), Obiena (April), June Mar Fajardo (May), ang Philippine Canoe Kayak and Dragon Boat Federation team (June), Obiena (July) at Antonella Berthe Racasa  (August).
 
Ang TOPS ay siya ring  presentor ng  “Usapang Sports”, ang lingguhang forum sa National Press Club at sponsored ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drink na may livestreaming buhat sa Glitter Livestream.(Louis Pangilinan)