Pagbitiw ni Guiao, ok sa SBP!

Pagbitiw ni Guiao, ok sa SBP!

Pagbitiw ni Guiao, ok sa SBP!

Pagbitiw ni Guiao, ok sa SBP!

Tinanggap na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pag-aalsa balytan ni Yeng Guiao bilang head coach ng Gilas Pilipinas.

Ang desisyon ni Guiao ay bunsod ng dispalinghadong kampanya ng Gilas sa 2019 FIBA World Cup na bokya sa lahat ng kalaban sa naturang pandaidigang liga.

Inihayag ni SBP President Al Panlilio na nagpapasalamat sila kay Guiao sa lahat ng naging kontribusyon nito sa men’s basketball team ng bansa.

“Coach Yeng Guiao had the unenviable task of picking up the pieces for Gilas Pilipinas Men. Even if the odds were stacked against him from the start, he took on the challenge head on and gave it his best shot,” bulalas ni Panlilio.

“His selection to take over was unanimous and it spoke volumes about the respect that he has gained throughout his career from all members of the Philippine basketball community,” aniya pa.

Sa pahayag naman ni Guiao, malaking bagay umano ang pagkakatalaga sa kanya bilang coach ng Gilas na nagsimula noong 2018 Asian Games sa Indonesia. (Louis Pangilinan)