Ang huling global qualifying tournament ay gaganapin sa Paris, at hindi sa Tokyo na unang napaulat, mula Mayo 13-24.
Ang International Olympic Committee ang mag-oorganisa sa boxing competition sa 2020 Tokyo Games matapos tanggalin sa governing body na AIBA ang karapatan nung Hunyo.
Sinabi ng IOC na kanila ng inaayos ang pagtatalaga ng isang independent review sa ''selecting and evaluating boxing referees and judges.''