Gilas kailangang tuso't agresibo!

Gilas kailangang tuso't agresibo!

Gilas kailangang tuso't agresibo!

Gilas kailangang tuso't agresibo!

Kailangang magiging agresibo ang magsisilbing sandata at malaking maitutulong para sa pagwasiwas ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup sa China.

Sa panayam kay Coach JC Nuyles ng Ateneo de Cebu, sinabi nitong walang magiging problema sa koponan kahit hindi makakasama si Jordan Clarkson sa mga laro.

Ito'y dahil sa hindi na rin umano bagito baguhan sa mga international game ang mga idinagdag na players na sina Robert Bolick, CJ Perez at Kiefer Ravena.

Maganda rin aniya ang consistency ng Gilas sa pag-execute ng mga mando ni Coach Yeng Guiao at kailangan lamang maging agresibo para magkaroon ng tyansang makapasok sa susunod na laban.

Kung maaalala, matinding paghimay ang ginawa ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao bago inilabas ang final 12 na sasabak sa FIBA World Cup na magsisimula sa katapusan ng buwan, kung saan unang mapapasabak sa team ng Italy. (Louis Pangilinan)