Beermen tinabla ang serye sa dobleng OT, 1-1!

Beermen tinabla ang serye sa dobleng OT, 1-1!

Ipinakita ng San Miguel Beer ang kanilang pagkabeterano bilang champion team sa pigaan ng utak at pisikal kontra TNT Ka Tropa para lagukin ang 127-125 panalo sa double-overtime sa Game Two ng PBA Commissioner's Cup Finals sa Big Dome, Miyerkoles.

Isinugal ng Beermen sa krusyal na oras para bigyan daan ang sarili kasama na pagdiskaril kay Terrence Jones sa loob ng 21 segundo sa unang overtime - kung saan pinuwersa ng SMB da 1-1 deadlock sa best-of-seven title playoff.

Kahit umiksit na si Jones, sa katunayan ang KaTropa ay may tsansa pang maisalba ang laro pero sumabog ang lahat nang ito, kabilang na ang dalawang make-or-break three-point attempts ni Jayson Castro sa paupos na segundo.

Lumaylay ang Beermen nang maagang languin ang maagang 17-point lead ng TnT ngunit hindi nagpadaig at ipundar ang klasikong 58-minute game.

Hinambalos ni. Terrence Romeo ang lumalagitik na tres pars ipuwersa ang unang limang ekstrang oras sa 106.

Sumunod ang swabeng transition play run ni Chris Ross at Alex Cabagnot para sumabay sa buzzer at ilatag ang giyera sa ikalawang OT sa 114.

Kinabig ng Beermen ang oportunidad para ipuwersa ang OT sa ikalawang pagkakataon matapos maisampa nina Brian Heruela at Troy Rosario ang tigalawang libreng buslo sa huling 2 segundo.


Pumukol si McCullough ng 32 points, 22 rebounds at pitong assists, umarya ng 29 puntos si Romeo, nagdagdag si Ross ng 25, hatag si Cabagnot ng 19 at June Mar Fajardo ay nag-ambag ng 12 puntos at 10 kalawit para sa Beermen.(Louis Pangilinan)