Ka Tropa komonekta sa kampeonato!

Ka Tropa komonekta sa kampeonato!

Ka Tropa komonekta sa kampeonato!

Ka Tropa komonekta sa kampeonato!

Sa wakas natapos na ang mahabang paghihintay.

Kinabit ni Terrence Jones ang taling binuhol ng KaTropa para iposte ang 103-92 panalo kontra Barangay Ginebra, Huwebes para tapusin ang engkuwentro sa kanilang PBA Commissioner's Cup semifinals sa Smart Araneta Coliseum.

Kumarga si Jones ng 24 points, 13 rebounds at 10 assists para sa kanyang pang-limang triple-double ng komperensiya at nakahugot ng ibayong ayuda kina Troy Rosario, Jayson Castro at Roger Pogoy.

Si Rosario ay may sariling double-double na 22 puntos at 11 boards habang si Castro ay umitsa ng 20 at anim na rebounds at Pogoy 14 points king saan tiniklop ng TNT ang best-of-five series, 3-1.
Maging si Brian Heruela ay bumanat nh sariling punyagi, umiskor dumepensa nambulabog buhat sa decisive 13-2 run para tuluyang lumayo mula sa 90-84 count at kinalsuhan ang pinakamalaking ungos sa 103-86, tanging 3:48 na lang ang nalalabi.

Naghihintay na lang ang KaTropa sa mananalo sa pagitan ng isa pang semis round ng San Miguel at Rain or Shine na naglalaban pa habang isinusulat ito para sa finals.

Natuwa si Coach Bong Ravena sa kanilang tropa na unang finals mula noong 2017 edition nakaparehong mid-season tourney at tsansa sa unang titulo buhat 2015.

"Off to the next round," bulalas ni Ravena. "We have to be ready for the finals, kung sino man ang makakalaban namin. It won't mean anything kung hindi namin maituloy-tuloy. We have to be ready for the finals, whoever. Tapos na ito. No time to celebrate."

Higit ding binigyan ni Ravena ng kredito sa depensa ng koponan, sa kalagitnaan ng ikatlong yugto para tusukin ang 63-71 deficit at ibalikwa ang laro.

"Basta mag-stick lang kami sa depensa, huwag lang kaming mag-break down, especially sa defense. 'Mag-focus lang kayo, makaka-shoot at makaka-shoot ang kalaban. Just don't give up,'" ani pa Ravena. (Louis Pangilinan)