San Miguel binitbit ni Ross

San Miguel binitbit ni Ross

San Miguel binitbit ni Ross

Laro ngayon
7pm-San Miguel vs Rain or Shine

Hindi man nakapaglaro si Marcio Lassiter pero nagsilbi naman siyang inspirasyon ng San Miguel Beer sa PBA Commissioner's Cup semifinals series kontra Rain or Shine.

Nagsilbing pambara ng Beermen ang matinding outside shooting ni Chris Ross sa game 2 ng serye para lagukin ang 117-105 panalo kung saan agad tinuran ni winning coach Leo Austria na ang espiritu ng galing ni Lassiter ay sumanib kay Ross.

"I think yung spirit ni Marcio Lassiter napupunta sa kanya ngayon," ani Austria kay Ross, na siya nang inaasahan sa tropa bilang pangunahing defensive stopper. "Siya yung naging shooter namin."

Si Ross, ang two-time Defensive Player of the Year, ay nasa sona ng Mall of Asia Arena, na pumukol ng kabuuang 10 three-pointers diretso sa paglista ng bagong career-high na 34 points para habulin ng San Miguel ang 29-point first half na kalamangan ng RoS at hugutin ang ratsadang panalo.

Ang kanyang 10 tres ang nagpatabla sa franchise high para sa pinakamaraming three-point shots na nagawa sa laro, ang matindi kay Lassiter, na tinungkab sa 113-110 kabiguan sa Rain or Shine sa Game 2 ng 2015 Governors Cup semis.

"I can't believe Chris Ross on his shooting," pag-amin ni Austria, na ikinagulat ang mahusay na performance ng 34-year-old na si Ross.

Si Lassiter, na amigo ni Ross, ay nagtamo ng grade 2 MCL sa kanyang kaliwang tuhod sa quarterfinals series kontra NorthPort at di na makakalaro sa kabuuan ng playoffs.(Louis Pangilinan)