POC FOCUS LANG

POC FOCUS LANG

POC FOCUS LANG

Ni Louis Pangilinan
May pag asa pa ang Philippine sports, ito'y sa kabila nang pinakabagong kontrobersiya dala ng hindi inaasahang pagbibitiw ni Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas.

Pero kailangang magkaisa ang mga atleta, opisyales at isantabi ang anumang magkasalungat na pananaw, at di pagkakaunawaan, kung saan limang buwan na lang bago umarangkada mula ngayon ang 30th Southeast Asian Games kung saan host ang ating bansa.

Pakinggan si Philippine Handball Federation secretary-general Dr. Ernesto Jay Adalem.

“There is nothing wrong with the change of leadership now. Kung nawala yung isa, may papalit naman. Tuloy-tuloy lang dapat yung paghahanda natin para sa SEA Games,” biglas. Ni Adalem sa 27th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports {TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.

“Let’s tell our athletes na huwag hayaang maging hindrance sa training and preparations nila yung mga gusot na nangyayari ngayon. Don’t be annoyed by the situation we have now,” banggit ni Adalem sa mga sportswriter sa lingguhang forum sponsored ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

Bagamat dismayado siya sa biglaang pagbitiw sa puwedto ni Vargas, kasado namang tanggap ni Adalem si dating Gintong Alay head Joey Romasanta bilang bagong POC president batay sa rule of succession ng POC by-laws.

“In my humble opinion, I think it is only fitting that Mr. Romasanta will take over as president when Mr. Vargas resigned. I am not a lawyer but I think Mr. Romasanta should be allowed to take over for now. There may be some loopholes, but I am sure there is also legal remedy to resolve this issue,” paliwanag ni Adalem.

“Tumigil muna sila sa politika. Kesa mag election na naman agad, let Joey handle things. Sanay na naman sya. Alam na nya ang gagawin,” aniya.

“Being the former SBP Chairman and now ABAP head, kahit naman sana si Mr. Vargas alam ang gagawin dyan. Depende sa tao. Pero kung ayaw na nya, wala tayo magagawa.”

Si Adalem, na nagsilbi rin bilang Cluster Head sa 2011 SEA Games, si Romasanta ay dapat nang POC president kungsaan ang original election ay pinawalang bis ang korte at inatasan ng korte na magsagawa ng panibagong election.

“He (Romasanta) is already the VP even before the court-ordered election where Vargas defeated (then POC head Peping) Cojuangco.”

Binansagan din ni Adalem “as fake news” ang naunang ulat na si Romasanta at ilang POC officials ay minungkahing iusad ang pagdaos ng SEA Games mula Nov, 30-Dec. 11 ay gawin sa unang quarter ng 2020.

“That’s not true. Kung walang tiyak na tao ang nagsasabi, baka fake news. Mahirap magsalita lalo na baka ma-derail lang yun mga plano sa SEA Games.”

Pinuna din ni Adalem ang katunayang marami sa mga sports officials ngayon ang todo pamumulitika sa kanilang mga respektibong NSAs.

“The purpose of the NSAs is actually to propagate sports and not politics. In our history of sports, a lot of people are here for politics, not to help sports. Ang importante lagi dapat ay yung mga atleta,” dagdag pa ni Adalem, pangulo rin ng National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU).(Louis Pangilinan)