Nagbunga ang kabayanihan ni Calvin Oftana para sa NLEX matapos itarak ng Road Warriors ang game-winner kontra Meralco 81-80, Miyerkules at tungo sa deciding game sa kanilang PBA Philippine Cup quarterfinals duel sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.
Kasunod ng timeout, seryosong sinunod ni Oftana ang instruksiyon ni coach Yeng Guiao sa pagsagawa ng matatag na cut sa basket at hanguin ang inbound pass ni Jericho Cruz para sa layup na naghatag sa Road Warriors na ungos, tanging 6.1 segundo ang nalalabi.
It was intended for him," sambit ni NLEX coach Yeng Guiao sa kanyang third overall pick sa nakaraang rookie draft nung Marso na kinawag ang 34 points, inangklahan ng rookie sa record eight triples, sa 101-104 talo sa kaparehong koponan noong nakalipas na linggo pero ngayon na maniobra at tumusok ng tanging 12 points.
"It went exactly as we planned it," ani Guiao. "But, of course, sometimes it happens, sometimes it doesn't happen for you. But we're really lucky that it happened for us this time."
At ito'y sinigurado ni Oftana ang lahat at ngayo'y napuwersang kunin ang tiwala ni Guiao sa dating NCAA MVP ng San Beda.
Iskor:
NLEX 81 - Semerad 23, Oftana 12, Trollano 12, Cruz 10, Alas 9, Miranda 5, Soyud 4, Quinahan 4, Paniamogan 2, Porter 0, Ighalo 0, Ayonayon 0, McAloney 0, Galanza 0.
Meralco 80 - Maliksi 16, Belo 12, Quinto 11, Hugnatan 11, Caram 9, Newsome 7, Hodge 6, Almazan 6, Pasaol 2, Black 0, Jackson 0, Pinto 0, Jose 0, Baclao 0, Jamito 0.
Quarters:20-26, 44-42, 63-64, 81-80
PHOTO Courtesy : PBA.PH