TNT KaTropa giniba ang Beermen sa G3
Binakbak ng TNT KaTropa ang nakabalatay na trauma sa kanila buhat sa Game 2 endgame, para kontrolin ang aksyon sa PBA Commissioner's Cup best-of-seven finals sa bisa ng 115-105 panalo sa Game 3 Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.