Nokor Supreme leader Kim Jong Un,  patay na nga ba?
Latest News

Nokor Supreme leader Kim Jong Un,  patay na nga ba?

Tahasang kumakalat ang mga balitang patay na ang Supreme Leader ng North Korea na si Kim Jong Un.
Gayundin ang diktador ng may "sariling mundong" bansa ay nakaratay na umano sa kama ng kamatayan at wala nang pag-asang gumaling,  batay sa mga ulat sa mga pahayagan sa China at Japan.
Tahasang kumakalat ang mga balitang patay na ang Supreme Leader ng North Korea na si Kim Jong Un.
Gayundin ang diktador ng may "sariling mundong" bansa ay nakaratay na umano sa kama ng kamatayan at wala nang pag-asang gumaling,  batay sa mga ulat sa mga pahayagan sa China at Japan.
 
Gayunpaman nagpadala ang China ng  medical team sa kanilang kalapit komunistang bansa nitong linggo para tingnan si Kim.
 
Isang Hong Kong-backed news channel's vice director -- na nagkataong pamangkin ng Chinese foreign minister -- ang nagpasabog ng kanyang sariling balita, na patay na nga ang diktador. Hindi naman kinumpirma ng news portal na TMZ ang ulat. 
 
Ipinost ng babae ang balita sa socmed app ng Tsino - ang Weibo mula sa kanyang halos 15 million followers na mababasa sa mga katagang "very solid source" tungkol kay Kim na ito'y yumao na. 
 
Sa isang Japanese magazine, sinabi naman itong Supremo ng NoKor ay "lantang gulay" na kalagayan matapos ang pagkakamaling naisagawang   operasyon sa puso.
 
Isa report na sinasabi ng Chinese medical expert na alam ang situwasyon - na hawak hawak ni Kim ang kanyang dibdib nitong mga unang araw ng Abril at bumagsak habang bumibisita sa ilang lugar ng naturang bansa. 
 
Kinailangan umano itong dumaan sa masusing gamutan, pero posibleng hindi nagawa ng maayos o kaya'y nabigo o nagkamali ang doktor sa isinagawang operasyon na ayon sa ilang ulat ay nanginginig ang kamay nito. 
 
Hindi rin nananiwala si US President Trump sa balita at hindi na nagsalita patungkol kay Kim.
 
Sakali man,  ang kapatid na babae ni KJU na si Kim Yo-jong ang pinakamalapit na posibleng pumalit bilang Supreme Leader ... napaulat na kamakailan lang ay  re-promoted sa prominenteng posisyon ng kapangyarihan. ( Elishah Pangilinan )
 
Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus