ECQ sa NCR, iba pang probinsya pinalawig ulit
Latest News

ECQ sa NCR, iba pang probinsya pinalawig ulit

"all other high risk" areas hanggang May 15.

Inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque, sa taped briefing na isinahimpapawid Biyernes ng umaga na ang mga sumusunod na lalawigan ay kinukunsiderang  high-risk at ilagay sa ilalim ng  extended enhanced community quarantine ay ang mga lugar ng Pangasinan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecijia, Pampanga, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Albay, at Catanduanes.

Ang inisyal na enhanced community quarantine ay magwawakas sa April 30.

Dinagdag pa ni Roque na ang pagkakasama ng  Benguet, Pangasinan, Tarlac, at Zambales sa ilalim ng  enhanced lockdown ay maari pang magbago o re-checking hanggang  April 30. Samantala, ang situwasyon sa Antique, Iloilo, Aklan, Capiz, Cebu, Cebu City, Davao del Norte, Davao City, at Davao de Oro ay kasama din sa re-evaluation. 

Ang desisyon ni Duterte sa kalagayan ng anim na linggong quarantine sa bansa sa pinakamalawak na isla na tahanan ng may  57 million katao at malalaking industriya ay nagtagpo matapos ang serye ng mga diyalogo sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ayon sa CNN report, Ang task force, na naglatag sa kanya ng decision-making tools kung ito'y palawigin o  relax strict stay-at-home rules, ay maagang nirekomenda para i- classify ang Luzon tungo sa mababa,  katamtaman at  high-risk areas para sa infections, matapos pinalabas ang consensus sa kaagahan ng meeting kasama ng mga health expert na ang mahigpit na  quarantine ay hindi nasasakop ang buong Luzon. 

Iminungkahi ng Health experts na ang quarantine ay dapat doon lang sa nga lugar na mataas ang  concentration ng COVID-19 cases, gaya ng Metro Manila, Calabarzon, bahagi ng Bulacan province, kabilang ang Cebu City sa Visayas at Davao City sa Mindanao. ( Louis Pangilinan )

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus