Sino ang posibleng maging Supremo ng North Korea?
Latest News

Sino ang posibleng maging Supremo ng North Korea?

Nababalot ng hiwaga ang patungkol sa nabulatlat sa hindi umano magandang kondisyon ng kalusugan ni Kim Jong Un, kung saan naging malalimang  usapan kung sino ang nakalinyang uupong Supremo higit walong taon matapos mahablot ang kapangyarihan. 
Nababalot ng hiwaga ang patungkol sa nabulatlat sa hindi umano magandang kondisyon ng kalusugan ni Kim Jong Un, kung saan naging malalimang  usapan kung sino ang nakalinyang uupong Supremo higit walong taon matapos mahablot ang kapangyarihan. 
 
Habang ang Kim family ay naghahari ng pitong dekada sa bisa ng pagpasa ng kapangyarihan sa pagitan ng tagapagmanang lalaki tulad ng dinastiyang pamana, ang 36-year-old na si Kim ay walang pinangalanang successor. Ang kanyang mga anak ay bagito pa at ang ruling family’s surviving adults ay pawang nahaharap bilang  potential barriers sa kanilang pag-angat.
 
Narito ang ilang  possible successors:
 
Kim Yo Jong, Sister
 
Part royal representative, part personal assistant, si Kim Yo Jong ay lumalabas na pinakamalapit na tagapayo ng nakatatandang kapatid. Nitong kaagahan ng buwan siya ay muling naitalaga bilang alternate Politburo member ng ruling Workers Party of Korea. Sa gayun, siya  lang ang tanging iba pang miyembro ng Kim family na may anupamang bagay na paakyat sa tunay na kapangyarihan sa rehimen.
 
Bagamat siya ang unang miyembro ng
 ruling family na bumisita sa Seoul at samahan si   Kim Jong Un sa kanyang summit kasama si U.S. President Donald Trump at China’s Xi Jinping, gumagawa rin siya ng mabibigat na tungkulin gaya ng pagtulong sa lider sa pagbuwag ng sigarilyo sa panahon ng  train stop sa China. Kung susuportahan ba ng  North Korea’s patriarchal elite  ang isang batang babae bilang susunod na “supreme leader” ng bansa ay hindi malinaw.
 
Kim Jong Un’s Son
 
Ang male heir ang maituturing na pinaka- conventional line of succession sa dynastiya na dating pinamahalaan ng ama ni Kim, Kim Jong Il at pinundar naman ng kanyang lolo na si Kim Il Sung. Sinabi ng South Korean intelligence na si Kim ay kasal kay  Ri Sol Ju, dating singer, noong 2009 at pinaniniwalaang may  tatlong anak.
 
Ang problema, ang mga anak ay di pa opisyal na nababanggit sa state media at ang pinakapanganay ay lalaking pinaniniwalaang isinilang taong 2010, ayon sa South Korea’s DongA Ilbo newspaper. Si Dennis Rodman, ang offbeat former basketball star na bumisita sa North Korea, ay sinabi noong 2013 na may anak din si Kim ng isang babae na may pangalang  Ju Ae. Rekisitos sa sinumang mga anak na mamalakad ay kailangang nasa form of regent hanggang sa dumating sa hustong gulang. 
 
Kim Han Sol, Pamangkin
 
Si Kim Han Sol, ipinanganak noong 1995, ay posibleng maging sumunod na lider, kung ang kanyang amang si Kim Jong Nam, ay hindi inalis ni  Kim Jong Il at pinatapon sa Chinese gambling hub ng Macau. Si Kim Jong Nam ay ay nakakatandang half-brother ni Kim Jong Un at pinakamahigpit na karibal, sugapa sa  casinos at minsa'y kritiko ng kanyang nakababatang lider ng rehimen.
 
Anumang pag-asa na si  Kim Han Sol ay maaring bumalik sa Pyongyang ay napunta sa alikabok noong 2017, nang ang kanyang ama ay pinaslang sa
Kuala Lumpur airport ng dalawang babae na sinabuyan ng  smeared VX nerve agent sa kanyang mukha. 
 
 Kinaulanan inaresto ng Chinese police ang maraming North Koreans na inilatag sa Beijing sa suspetsang  planong ipapatay si Kim Han Sol, sa ulat ng South Korea’s JoongAng Ilbo newspaper sa mga panahong yun. Nanatiling hindi alam kung saan siya sa ngayon.
 
Kim Jong Chol, Utol
 
Si Kim Jong Chol, ang nag iisang surving brother ni Kim Jong Un ay isa pang may kalayuang kahalili, kung saan higit na nagpapakita ng interes sa pagtugtog ng gitara kesa pulitika. Si  Thae Yong Ho, ang former No. 2 at North Korea’s embassy sa London na tumakbo sa South Korea, na minsa'y sinabi ni  Kim’s elder brother na “doesn’t own any official title” adding he’s “just a really talented guitarist.”
 
Nakinita ni Kim Jong Il na ang middle son ay parang “girlish,” ayon sa tao na nagpatago sa alyas na Kenji Fujimoto at sabing naging  personal sushi chef para sa  former North Korean leader. Taong 2011, South Korean broadcaster KBS nahuli si Kim Jong Chol na nakikipagsaya sa Eric Clapton concert sa Singapore. Kukunti ang nakakakilala sa kanya maliban na siya ay nag-aral  sa  Switzerland at fan ng U.S. professional basketball tulad ng kanyang kapatid. 
Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus