Total lockdown posible kapag 'di tuluyang masawata ang COVID-19
Latest News

Total lockdown posible kapag 'di tuluyang masawata ang COVID-19

Manila- Habang naungusan na ang  bilang ng mga gumaling na pasyente kontra sa bilang ng nga namatay dulot ng  COVID-19, sinabi ng kababalik na presidential spokesman Harry Roque na ang numero ng mga nahawaang indibidwal ay patuloy na tumataas kahit na ang Luzon-wide quarantine ay pinalawig ng dalawang linggo.
 
Tinukoy niya ang sala-salabat na trapiko sa  South Luzon Expressway at sangkaterbang tao gaya ng  Divisoria at Blumentritt.
Bagamat pinabulaanan niya ang plano ng pamahaaan na ipatupad ang total lockdown, sinabi ni Roque na nanatiling ang balak ay isang opsyon kapag nabigo ang bansa na mapababa ang pagkalat ng mapaminsalang virus.
 
 "Reports that there would be a total lockdown is fake news. But the government considering a total lockdown especially if violators continue to remain on the streets is not fake news," ani Roque.
 
"So let's not prolong the ECQ. Let us fulfill our obligations... There are only a few days left... If we do not flatten the curve, if we don't reduce the cases of COVID-19, of course, it's one of the options being considered," aniya pa. 
 
Nagsimula ang enhanced community quarantine (ECQ) noong March 17 at dapat nagtapos ng April 13 ngunit pinahaba pa ni President Rodrigo Duterte ang  lockdown hanggang katapusan ng April 30 para mabigyan ng sapat na oras  ang gobyerno na makapagsagawa pa ng maraming tests.
 
“We have seen that the number of COVID cases increased, decreased and the number is still on the rise. It's saddening that while we extended the ECQ, we have yet to flatten the curve," sabi ni Roque.
 
Sinabi ni Roque na ang bilang ng may kaso ng COVID-19  ay bumaba matapos ang Semana Santa ngunit tumaas muli matapos  ang holiday, isang trend na aniya'y hindi na nakapagtataka kung saan ilang lugar sa Metro Manila ay mistulang nakawala sa kural ang mga otaw. - Louis Pangilinan
Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus