Anti-TB drug epektibo kontra Covid-19?
Latest News

Anti-TB drug epektibo kontra Covid-19?

Pinapaspasan na ng mga mananaliksik sa Murdoch Children's Research Institute sa Melbourne, Australia, ang malawakang  human testing para malaman kung ang  bakunang ginagamit ng ilang dekada para maiwasan ang TB ay maari ding maprotektahan ang tao mula sa  COVID-19 infection.

Pinapaspasan na ng mga mananaliksik sa Murdoch Children's Research Institute sa Melbourne, Australia, ang malawakang  human testing para malaman kung ang  bakunang ginagamit ng ilang dekada para maiwasan ang TB ay maari ding maprotektahan ang tao mula sa  COVID-19 infection.

 

Ngunit ang laban kontra  TB ang makapagpapatunay  sa sarili ay hindi inaasahang mabisang sandata target ang  coronavirus pandemic.

Ang trial ng Bacillus Calmette-Guerin (BCG) vaccine ay isinagawa ng may  4,000 health workers sa ospital sa buong  Australia.

"Although originally developed against tuberculosis and given to over 130 million babies annually for that purpose, BCG also boosts humans' 'front-line' immunity, training it to respond to germs with greater intensity," anila sa ipinalabas na pahayag.

Sa naunang ulat mula New York Institute of Technology natuklasan na ang BCG vaccine ay iniuugnay para mabawasan ang rates ng Covid-19 infection sa mga bansa kung saan ang  drug ay ginamit gaya ng India, kumpara sa mga bansang walang pandaigdigang polisiya tulad ng  Italy, the Netherlands, at Amerika. 
Sa kawalan ng anumang epektibong vaccine para sa Covid-19, ito'y posibleng nakatatanaw ng positibong pag-asa.

Gayunman,  malawak pang  pag-aaral ang kinakailangan.
Kaparehong  trials sa TB vaccine ang isinasagawa sa iba pang mga bansa kasama ang Netherlands, Germany at  United Kingdom. 

Samantala, habang patuloy na prayoridad ng Pilipinas ang public health, ang pamilyang Filipino gaya ni Josefina Marquez na naiwang nakaabang para maalis na ang coronavirus lockdown, ay hindi makakuha ng medisina o trabaho at umaasa na lamang na ang kanilang  pangunahing medical needs ay hindi maisasantabi dulot ng krisis sa Covid-19 .- Louis Pangilinan

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus