Quezon City - Panibagong 11 barangay sa Quezon City ang inilagay sa ilalim ng extreme lockdown dahil sa tumaas na insidente ng coronavirus disease 19 (COVID-19) infection.
Sa pahayag na inilabas nitong Martes ng city government ang mga barangay ay ang Manresa, Paltok and Sto. Domingo sa District 1; barangays Bagong Silangan, Holy Spirit, and Payatas sa District 2; barangays Marilag at Socorro sa District 3; at barangays Kamuning, Pinyahan at Barangay San Isidro Galas sa District 4 ay inilagay sa ilalim ng extreme enhanced community quarantine noong Lunes.Ang iba pang nauna ng sumailalim sa extreme lockdown ay ang barangays Tandang Sora, Kalusugan, Ramon Magsaysay, Maharlika, Tatalon, Batasan Hills, Pasong Tamo, Central, San Roque, Paligsahan, Bagong Lipunan ng Crame, South Triangle, Culiat, Bahay Toro, E. Rodriguez, San Isidro Labrador, Old Balara at Teachers Village.Ang Old Balara ang may pinakamataas na bilang ng confirmed COVID-19 cases na may 22, sumunod ang Batasan Hills , 21, Tandang Sora, 19, Bahay Toro, 14 at Pasong Tamo 13.
Mula April 6, 7 p.m., ang lungsod ay mayroong 583 COVID-19 cases na may 34 total deaths at 15 persons na nakarekober. Nag-isyu rin si Mayor Joy Belmonte ng Executive Order No. 25, na umaatas sa mga residente na magsuot ng anumang uri ng pantakip sa ilong at bunganga sa pampublikong lugar. Ang mga traffic enforcer ng lungsod ay magbibigay ng face masks sa mga taong wala pa nito. Louis Pangilinan