Ayuda ni LPC Mayor Aguilar patuloy
Latest News

Ayuda ni LPC Mayor Aguilar patuloy

LAS PINAS CITY - Tiniyak ni Las Piñas City Mayor Imelda T. Aguilar ang mga residente ng lungsod para sa patuloy ng pamamahagi ng  food packs at iba pang  assistance  sa panahon ng  enhanced community quarantine (ECQ)  para masawata ang  pagkalat ng  coronavirus disease 2019 (COVID-19).

LAS PINAS CITY - Tiniyak ni Las Piñas City Mayor Imelda T. Aguilar ang mga residente ng lungsod para sa patuloy ng pamamahagi ng  food packs at iba pang  assistance  sa panahon ng  enhanced community quarantine (ECQ)  para masawata ang  pagkalat ng  coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Mula  April 2, higit 75,000 food packs na kinapalooban ng ng 4  kilos ng bigas , canned goods, instant noodles, at gulay  ang naipmahagi sa pamilya ng  20 barangays.

Umapela si Aguilar ng pang-unawa  at pasensiya buhat sa mga residenteng hindi pa nakakatanggap ng asiste  ngunit  asahan nilang  bawat pamilya  ay bibigyan ng food package para mapunan ang pang-araw araw na pangangailangan.

“Makakaasa po kayo na ang lahat ay mabibigyan ng tulong. Patuloy po ang ating mga volunteer sa paghahanda ng mga food packages, sa kabila ng kakulangan ng ilang supplies. Sinisikap po naming mapunuan ang anumang kakulangan para ang lahat ay mabigyan. Wala po tayong pinipiling bibigyan ng tulong,”  ani Aguilar said.

Ang  distribution ng relief assistance  ay isinasagawa ng  house-to-house sa bawat  barangay, particular na tuwing  gabi para masiguro  na walang lalabas ng kalye.

Tanging miyembro ng  Incident Management Team (IMT),  sa tulong  pulisya  sa koordinasyon ng  barangay officials,  ang inatasang maghahatag ng  food packs.

Pinayuhan din ng alklade  ang mga residente na tawagin ang atensiyon ng kanilang  barangay officials kung hindi pa sila nakakatanggap ng food packs  para mabigyan ng kahintulad na tulong.

Hinimok  din niya ang mahigpit na pagsunod sa atas  na manatili sa bahay  at iba pang ECQ protocols  para matulungan ang gobyerno  na malabanan ang mabagsik na  COVID-19  sa lalong madaling panahon.

Samantala, inatasan ni  Aguilar ang City Health Office  na doblehin ang  kanilang responde sa paghahanda sa  Las Piñas Drug Rehabilitation Center sa posibleng health facility  para COVID-19 patients  ng lungsod.

Inaprubahan ng  Department of Health ang  prinsipyo sa kombersiyon ng e 100-bed capacity drug rehab center  na gagamitin  bilang solation facility para sa COVID-19 afflicted Las Piñas residents.

Ani Aguilar umaasa silang  makumpleto ang proseso  sa lalong madaling panahon  para matugunan ang mga pasilidad  at iba pang  public at private hospital ng siyudad para sa COVID-19 patients. Louis Pangilinan

 

Photo courtesy : Manila Bulletin 

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus