Arca, Oncita haharap sa matinding hamon sa kiddies online chess

Arca, Oncita haharap sa matinding hamon sa kiddies online chess

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Matinding hamon ang susuungin nina Christian Gian Karlo Arca at Sumer Justine Oncita sa Baby Uno Chess Challenge na tinampukang Frontier Wheels 13 years old and Below Kiddies Online Tournament ngayon Nobyembre 7, 2020, Sabado, 11 am Manila Time sa lichess.org.


Ang 3 minutes plus 2 seconds increment time control format na may one and half duration ng game may P3,400 total pot prize kung saan may lion’s share na pot P1,000 sa magkakampeon sa event na sinuportahan ni Arena International Master (AIM) Wagish Kumar Rai ng Frontier Wheels.
Si Arca na grade VI pupil ng Panabo Central Elem School, Panabo City, Davao del Norte ay sariwa pa sa kampeonato sa Under 11 National Youth Chess Tournament nitong Oktubre 6.
Ang kanyang malaking panalo ay ang 11th AFPI Chess Arena nitong Mayo 18 sa pag domina sa Under 17 division.
"I will do my very best. Let's see on Saturday," sabi ni Arca na kung saan ay na award na sa kanya ang Arena Grandmaster title at nakamit sa edad na 11 para maging isa sa bagong batang AGM.
Habang sa panig naman ni Oncita ay nasa rigid training under watchful eye ng kanyang father/coach na si Ricky Oncita.
" I hope to perform well in this event," sabi ng 9-year-old amiable Oncita.
Lalahok din ngayon weekend ay sina Ivan Travis at Jericho Winston Cu ng San Juan City, Oshrie Jhames at Prince Jhamie Reyes ng Santa Rita, Pampanga, Jerick Faeldonia, Allan Gabriel at Gllasea Ann H ilario ng Manila, Ryien Bahita ng Canlaon City, Negros Oriental, Dennis Jocel Mendoza ng Mandaluyong City, Vladimir Lait ng Pasig City,Tyrone James Tabernilla ng Imus City, Cavite at Bonjoure Fille Suyamin ng General Trias City, Cavite.